Musmos

24 3 2
                                    


Pagkalipas ng ilang linggong pagsusulit ay ginanap ang pinakahihintay na tatlong araw ng Sports Festival. Bilang isang miyembro ng publikasyon, ang tatlong araw na ito ay hindi naging madali dahil sa dami ng aming gawain. Ramdam naming lahat ang pagod at puyat na parang isa kami sa mga manlalaro na iniimbag sa aming artikulo. Ngunit ngayon ako'y nagpapasalamat, dahil ngayon ang huling araw ng sports festival at ngayon lang din ako nakahanap ng oras upang makapagpahinga sa aming opisina.

Sa aking pagpasok ay agad akong sinalubong ng lamig ng aircon at ang ingay ng mga kapwa ko kamiyembro na mukhang kakatapos lang sin sa kanilang pagkalap ng datos para sa gawing artikulo.

"Tapos ka na ba sa trabaho mo, Vin?" ang tanong sa akin ni Cha, ngunit hindi na ako makasagot dahil pinangunahan na ako ng puyat at pagod. Hinila ko ang upuan sa may bandang dulo ng lamesa at agad-agad akong sumubsob upang makabawi ng tulog. At biglang nanahimik ang aking kapaligiran na parang inihiwalay na ng utak ko ang aking sarili sa mundo. 

Hindi ko na mamalayan kung ano ang nangyayari sa paligid ko, ang alam ko lang ay nararamdaman ko pa rin ang lamig ng aircon . . . hindi. Nararamdaman ko na parang may dalawang maliit at malamig na braso ang unti-unting pumapasan sa balikat ko na sanhi ng pagkanginig ng buong kalamnan at pagtaas ng bawat balahibo sa katawan ko. Huminto ang mundo ko nang bigla akong makarinig ng isang boses. Boses ng isang bata na parang nanghihingi ng tulong.

"Tulong. . . Tulong . . ." mahinahon ngunit garalgal na pagbulog sa akin na parang nagmula pa sa ilalim ng hukay. Dahil sa nakakapagpabagabag na aking nararamdaman ay parang nagpasya ang aking kamalayan na imulat ang aking mga mata. Sa aking pagmulat ay lalo kaong kinilabutan at kumabog ang puso ko sa mga kagimbal gimbal na eksena na nakikita ko sa aking harapan.

May mga nabubulok na bangkay sa aking tabi, tila na nakatitig sa akin na may mga bakas ng mga dugo sa sahig habang nalalanghap ko ang mabahong amoy na kalaki na pitik at ammonia sa aking kapaligiran. May mga naririnig din akong mga sigaw, iyak at mga kalampag ng mga bakal na mukhang nanggagaling mula sa selda na animo'y senyales ng paghingi ng tulong, habang as aking harapan ay may isang bangkay na hinahatak patungo sa isang direksyon na hindi ko alam kung saan patungo na dumadausdos sa kanyang kapit.

Halos maluha ako sa takot, pinilit kong gumalaw ngunit sobrang bigat ng katawan ko tila may isang pwersa na pumipigil sa'kin upang tumayo at umalis sa lugar na ito. Sinubukan kong buksan ang aking mga labi upang humingi ng tulong ngunit sa mga oras na ito ay mukhang panginginig lang ang kaya nitong gawin. 

Tumingin ako sa malayo at umaasang maigalaw ko ang aking mabigat at pagod na katawan nang bigla akong may naaninag. Isang itim na pigura na unti-unting lumalapit sa akin. Hinawakan nito ang akig katawan at saka ako'y tinayo, naaninag ko ang kanyang malaking ngiti at bigla nalang itong naglaho na parang usok. Tinignan ko kung saan niya ako iniharap at nakita ko ang isang musmos na bata na nakatigala sa akin at tinititigan ang aking mga mata. Matamlay ang kanyang mga mata, nanginginig ang kanyang labi at nakasuot ito ng mantsadong kamiseta de chino na parang kakagaling niya lang sa paglalaro sa basang lupa.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang braso at itinuro ang pintuan na nasa likuran ko habang hindi niya tinatanggal ang pagkatitig sa mata ko. Nakarinig ako ng mahihinang bulong na mukhang galing pa sa iba't-ibang mga tao.

"Ka . . . " malinaw na ibinulong ng bata na parang mayroon siyang gustong ipahiwatig at tila pinipilit niyang magsalita

". . . Kakatok na siya," ang pagpapatuloy nito nang biglang may mga malalakas na katok at mga hampas na pumalibot sa dalawang pader ng opisina at halos magiba na ang dalawang pader na naghihiwalay sa dalawang kwarto nito. Tinakpan ko ang aking dalawang tenga sa sobrang takot at naghanap ako ng lakas ng loob upang makagalaw at makaalis sa nakakahindik na opisinang ito.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon