Chapter One

484 8 0
                                    

Kanina pa siya naiirita sa kaibigan niyang si Margie at sa nobyo nito na pandalas ang halikan sa harap pa mismo niya pumwesto ng upo.

Mangani-ngani niyang batuhin ang dalawa sa asar dahil tila walang pakealam ang mga ito sa presensya niya.

"Hoy! Andito ako baka gusto niyong tigilan iyan?" Aniya ng makitang gumagapang na ang kamay ng nobyo ng kaibigan niya sa maselang bahagi ng katawan nito.

Natatawa namang humiwalay si Margie. "Magboyfriend ka na kasi para hindi ka naiinggit." Pangaasar ni Margie na ikinairap niya.

"Hindi ko kelangan ng lalake kaya pwede ba." Inis niyang saad.

"Azus!" Nasabi na lang ni Greg. Nobyo ni Margie ng magtinginan ang dalawa sa sinabi niya.

"Antagal naman ng mananahi!" Pagiiba niya ng topic na ikinatawa ng dalawa.

Nakatambay kasi sila sa apartment ng kaibigan nilang si Aileen ng mga oras na iyon. Naghihintay para masukatan ng gown na gagamitin.

Ikakasal na kasi si Aileen sa barkada din nilang si Brix na karelasyon nito sa loob ng dalawang taon.

At silang magbabarkada ang mismong abay ng bride.

Ilang saglit pa ay lumabas na si Aileen mula sa kusina dala ang inihanda nitong meryenda. Eksakto na dumating na din ang mananahi na magsusukat sa kanila kasabay si Brix na galing sa trabaho nito.

"Hay salamat nagdatingan na kayo, malapit na ko langgamin sa dalawang nandito." Palatak niya na saglit inirapan ang magnobyo na malalapad ang ngiti sa tinuran niya.

"Bakit anong ginawa ng dalawa?" Natatawang tanong ni Aileen.

"Muntik ng gawing motel iyong sala mo nakalimutan atang andito ako." Naiiling naman na sabi niya na ikinabunghalit naman ng tawa ni Margie at Greg.

"Magboyfriend ka na kasi para di ka naiinggit." Si Brix na humalik kay Aileen pagpasok.

"Pati ba naman ikaw?" Nakabusangot na saad niya sa bestfriend at kababata niyang si Brix. "Kala ko ba kakampi kita?"

Natawa ito saka lumapit at humakbay sakanya. "Yes I am, protector mo nga ako di ba? That is why I want you to be happy." Seryoso nitong saad sakanya.

Hindi siya kumibo, alam niya sa sarili niya na sincere ito sa sinasabi.

"Hay naku! Basta kayo lang ang ikakasal wag niyo na problemahin ang love life ko." Nakalabi niyang saad na ikinatawa ng mga kaibigan niya.

"Honestly Joey, swerte ng mamahalin mo." Si Aileen. "Kasi lahat kaya mong pasayahin." Dugtong pa nito.

"Tama na iyan lalaki na ulo ko mukhang ako natutusta dito ei." Pagiiba niya ng usapan na ikinatawa ulit ng mga ito.

"Sis masanay ka na, hanggat hindi ka nag boboyfriend di ka namin tatantanan." Si Margie.

"Aisst! Oo na lang." Napapalatak niyang saad. Saka binalingan ang baklang modista. "Unahin mo kong sukatan ahh, ako nahohot seat dito ei"

Lalong napuno ng halakhakan ang apartment ni Aileen ng araw na iyon.

Nang matapos siyang sukatan ay nagpasya na siyang magpaalam kahit pa pinipigikan siya ng mga kaibigan sa dahil may pasok pa siya.

Call center agent siya at pang-gabi ang shift niya sa ortigas. Kelangan niya magbawi ng tulog kahit dalawang iras lang para may lakas siya sa puyatan mamaya.

"Paano sis, ingat na lang sa byahe." Nakangiting saad ni Aileen ng ihatid siya nito sa gate.

"Sayang papunta pa naman dito iyong boss ko para sukatan gwapo iyon!" Pahabol ni Brix.

"I don't care" umiikot ang eyeball niyang saad dito na nagpahalakhak naman sa huli. "Makaalis na nga." Baling niya kay Aileen.

Joey & AlbertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon