Chapter Two

375 13 2
                                    

Linggo ganap na ika-walo ng umaga. Ang araw na pinakahihintay nilang magkakaibigan lalo na ni Aileen at Brix.
Ang kasal. Magandang maganda ang bride sa suot nitong puting traje de boda na napapalamutian ng pinong mga perlas na maliliit sa laylayan.
Si Brix naman ay lalong lumabas ang kakisigan sa suot na puting toxido.

Lahat ay nakangiti habang naguumpisa silang magmartsa papaaok ng simbahan habang naghihintay ang groom at grooms men sa harap ng altar.

Wait, grooms men? Speaking of that, agad na naagaw ang atensyon niya ng gwapong lalaki na katabi ng bestfriend niyang si Brix. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa... Kanya? Kinurap kurap niya ang sariling mata para siguraduhin na tama ang paningin niya at hindi namamalikmata lang ngunit tama ang hinala niya dahil nakita niyang nakasunod ang tingin nito ng lumiko siya sa upuan na para sa mga abay."Pero bakit?" Piping tanung niya sa isip.

Nabalik lang ang atensyon niya sa ikinakasal ng sikuhin siya ni Dina. Pinsan niya na isa din sa mga barkada at abay ni Aileen. "Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Huh? Natutuwa lang ako sa dalawa." Pagdadahilan niya.

"Weh?" May bahid ng panunuksong tanong nito saka inginuso ang lalaking katabi kanina ni Brix na ngayon ay nasa kabilang hilera ng upuan sa tapat nila. "Kanina ka pa tinititigan nun eh" kinikilig nitong saad. At lalo pa itong kinilig ng sa paglingon ulit nila ay huling huli na nakatingin ito sa kanya.

Halos sabunutan niya ang pinsan dahil sa kilig na kilig ang bruha. Na akala ng iba kinikilig ito sa kinakasal.
"Tumahimik ka nga dyan nakakahiya ka." Gigil na bulong niya kay Dina. Halos di kasi ito mapakali sa tuwing makikitang nakatitig ang lalaki sa gawi nila. Siya naman ay pinipilit na i-focus ang paningin sa mga kinakasal at pinipilit iwasan ang lalaki sa kabilang upuan.

Hanggang sa matapos ang seremonya tila wala siyang naintindihan sa mga naganap.
Natagpuan na lang niya ang sarili niya na nasa reception na sila at nakahilera lahat ng single ladies para saluhin ang bulaklak.
Wala pa nga sa realidad na sya na pala ang may hawak ng bulaklak.
Siraulo ang pinsan niyang si Dina dahil paghagis ni Aileen ng bulaklak siya ang tinulak nito at kinuntsaba pala lahat ng abay na wag saluhin ang bulaklak.

Tilian at sigawan ang lahat ng sa kanya napunta ang bulaklak.
Pulang pula naman siya ng mga oras na yun at kung di nga lang sya nahihiya kalina Brix nunkang nagwalk out na sya.

Pagkatapos maghagis ng bouquet, ang mga binata naman ang tinawag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Joey & AlbertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon