CHAPTER 1

7 0 0
                                    

"Anak, naka handa na sa lamesa ang baon mo, ingat ka sa pag pasok mo may pera ka pa ba?"

Nag hahanda ako ng mga dadalin ko sa pag pasok ko sa part time job ko sa isang convenient store 1pm to 8pm ang shift ko doon buti na lang at mabait ang may ari at pumayag sya na ganun lagi ang schedule ko dahil na din sa student ako.

"Opo 'nay palabas na po ako ng kwarto kunin ko na lang po dyan" maliit lang naman ang bahay namin plywood nga lang ang dingding naman kaya kahit mahina ay dinig ang boses sa labas.

Simple lang naman ang buhay namin, si nanay sa bahay lang nag titinda tinda sya ng mga miryenda sa labas ng bahay namin samalamig, siomai,french fries,cheese sticks kapag wala akong pasok ako ang gumagawa ng turon at bananaque hindi kasi kaya ni banay mag asikaso ng mga iyon lalo na't maliit pa ang bunsoy namin, ako naman ay isang college student sa state university malapit sa amin business course ang napili kong pag aralan, wala na akong tatay namatay sya dalawang taon ng nakararaan pinag bubuntis pa lang ni nanay ang bunso namin.

Naaksidente si tatay at ginamit namin ang perang ibinayan ng naka bunggo sa kanya pang bili netong maliit na bahay at lupa para hindi na din namin iisipin ang pang bayad sa apartment,at dahil nga may maliit pa kami ay hindi pa pwedeng mag trabaho si nanay kaya ang natirang pera sa pag bili ng bahay ay ipinuhunan muna namin sa pag titinda ng meryenda at dahil alam kong kukulangin pa din ay kinailangan kong mag hanap ng part time job pang tustos naman sa pag aaral ko, ngayon ay asa ikalawang taon na ako ng. Kolehiyo at unti unti na kami nasasanay ni nanay sa bago naming buhay

Mabilis na lumipas ang oras at ilang oras na lang din at matatapos na ang shift ko, dito sa store ay madalas ako lang mag isa kung kaya ako ang kahera at ako din ang nag lilinis linis at ng rerefill ng mga stocks dito sa store

Busy ako sa pag restock ng mga bottled water ng marinig ko ang pinto na bumukas kaya agad ay bumalik ako sa counter, pumasok ang lalaki na may kasamang magandang babae at dumerecho sila sa counter, at habang maganang nag sasalita ang babae ay tahimik naman itong kumuha ng isang maliit na box sa counter at inabot ang 500 peso bill, pagka scan ko ng items nya ay di na nya inintay na masuklian sya at makuha ang resibo nya,

"Sir, change nyu po" habol ko pa ngunit tila ba wala syamg naririnig pero alam kong aware naman sila ng kasama nya lalo na at nilingon ako ng babae at nginisian bago sinabing 'keep it.

Sa tindig pa lang nila ay alam mo nang hindi sila simpleng binata at dalaga, alam nyo yung aura pala alam mo ng may kaya, hindi naman lahing may kagaya nila na naliligaw dito sa store kaya napapansin ko sila

Nakaka pagod ang mag trabaho lalo na at mag isa lang ako pero kahit paano ay nalilibang naman ako, merin kaming mga regular na tambay sa store kung saan sa katagalan ay naging kabiruan ko na din minsan nga ay nag dadahilan pa sila na sinasamahan nila ako pero ang totoo ay lumilibre lang talaga sila ng aircon. 

9pm ng naka uwi ako sa bahay, nakita ko pa si nanay na gumagawa ng mga sauce para sa tinda nya bukas, tutulong pa sana ako pero sabi nya kay matatapos na siya at mas kailangan ko ng pahinga.

6.30 an ay nasa room na kami ng mga kaibigan ko

"Jordy, nakapag review ka ba sa subject ni ms.Tan? Pakopya hehehe"
Si anne friend ko.

"Nakapag review naman pero hindi kita pakokopayahin, balaka dyan may time pa naman mag review ka"

"Damot mo naman,😗 kala ko makaka lusot ako e" nag papa cute pa sya kala mo naman ma aapektuhan ako, hindi ko kasi talaga ugali ang magpa kopya kahit kaibigan ko pa, at hindi rin ako nangongopya sa kanila hindi ko alam pero nakasanayan ko na sya, nung elementary at high school naaalala ko pa na nanhongopya ako sa katabi ko pero mula ng college ako bigla na lang ako naasiwa kapag may nag tatanong sakin ng sagot mula nun hindi na talaga ako nangopya o nag pakopya. Mas ok ako kahit na bumagsak ako basta ako mismo ang nag sagot mas magaan din sa pakiramdam kapag pumasa ako kahit sa long exam lalot alam ko na hindi ko yun kinopya kung kanino.

"After class kain tayo kay pogi ha? Namimiss ko na yung pan diinan nyang kwek kwek saka fish ball"
Si Ruby isa pa sa kaibigan ko

Mula nang lumipat kami sa manila nung high school ako ay sila na amg nakasama ko, mag kakaiba man kami ng trip sa buhay ay may isang bagay kaming pinag kaka sunduan
"FOODTRIP"

Mahilig talaga kami kumain pero hindi naman yung sosyal na kainan, mahilig lang kami sa mga street foods mga tusok tusok buko juice samalamig mami lugaw pancit kanton  kahit tag pisong chichirya basta pagkain madalas after class sa tapat ng school naka hilera doon ang samot sari ng mga street foods sa bandang likod naman non ay ang mga karinderya na may student meal kung tawagin namin mula sa hotdog at pancit canton hanggang sa libreng sabaw sa kanin ay meron sila.

"Yung utak ko buo pa pero ung isip ko konting konti na lang huhu"

"Nasobrahan ka lang kase sa suka gago,bumili ka ng samalamig hindi yang suka ang tinutungga mo. " Sabi ko ng di na ako naka tiis kase oang tatlong dagdag na nya ng suka sa baso nya buti na lang mabait si pogi.

Si Pogi, ung palagi naming binibilan ng mga tusok tusok mabait kasi to, kita mo nga kahit mukang si Anne ang uubos ng sukang sawsawan ng kwek kwek nya naka ngiti pa rin.

"E ang sarap kasi ng suka neting si pogi kasing asim nya diba diba pogi? Hekeke penge pang suka ha?!*

"Sige lang anne, higop ka lang wag ka titigil hanggat di ka pa namumutla ng tuluyan hahahahaha"

"Bilisan nyo na kumain dyan at andami pa nating assignment at nag pipiling major na naman yung mga prof. Natin tsk" si ruby lagi yan parang hinahabol kapag me mga projects or assignments kami kasi meron syamg grades na mine maintain kung hinde e hindi na sya pag aaralin ng erpat nya.

Pagkatapos naman namin kumain e nag uwian na din kami, wala naman bago sa routine ko pag uwi umidlip lang ako pagka gawa ko ng mga kailangan sa school, then si nanay naman pinag pahinga ko habang ako naman ang nag titinda habang inaalagaan ko ang kapatid ko, pag gising ni nanay ay saka ako mag aayos para pumasok naman sa trabaho ko.

Sa ganoon lumilipas ang araw ko at masaya naman ako, as long as hindi kami nagugutom kakayanin ko para sa nanay at kapatid ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THIS IS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon