JOE:tres

309 9 0
                                    

KATE /K POV

ONE YEAR EARLIER

Ang ganda ng araw pero parang hindi ko ma appreciate.Tinatamad ako  ngayong araw.Parang ayaw ko nang pumasok mamaya.Siguro pag katapos ng practice mamasyal nalang siguro ako.Papasok na ako ng gym na nakapamulsa.Lahat na naman ng tao nakatingin sa akin.Nag bubulungan pero rinig ko naman.

Pag kadating ko sa loob ng gym nadatnan kong wala pa sila.Kaya naman Pumunta mona ako sa mga bleachers para umupo.Wala naman masyadong magawa maka pag soundtrip nga mona Nilabas ko mona yung Ipod ko mag sosound trip mona ako habang hinihintay sila.

habang nakikinig ng music.Inililibot ko na rin ang mga mata ko.Kahit mejo tangahali na madami paring tao dito sa gym.karamihan nag hihintay lang ng mga klase nila ang iba naman may mga P.e class dito.

check on my watch.MAg kakalahating oras na pala ako dito.Asan na ba sila.?? I pick my phone up just to find out i had 5 missed call galing kay dezza.My bestfriend.

himala..ngayon lang siya tumawag na hindi lalampas ng isang besses.Ano kayang nakain niya.?

then nag ring na naman ang phone ko.Si dezza ulit ang tumatawag.i click the accept button.

"kwago.!! asan ka.?? kahit anong mangyari wag na wag kang pupunta dito sa student circle ahh..!!'" bungad sakin.

pag katapos niyang sabihin yun pinatay niya ulit.Ano namang problema nun.?tatawag just to tell me na wag pupunta sa student circle.?? At yung tono ng pananalita niya kanina .Parang shes bothered and at the same time worried.Something is up pag ganun yung tono ng pananalita niya.

tumayo na ako sa bleachers at pababa na tsaka lang  nag vibrate yung phone ko.Nag text si sab  wala daw practice ngayon.Great.Nasayang lang ang oras ko ng pag hintay dito.Makapunta na nga sa student circle.

Habang papunta ako dun.Madami akong taong nakakasalubong.Habang palapit ako ng palapit padami naman ng padami ang students na nakakasalubong ko hanggang sa makarating na ko sa student circle at doon mas marami akong mga student na nadatnan.Nag hihiyawan ng say yes...

hindi naman ako tsismosang tao kaya naman hindi ko na pinag aksayahan na tignan pero nakita ko si dezza sa side kaya nilapitan ko at tinapik.

"kwago..!!" gulat niyang sabi sakin."anong ginagawa mo dito.??!! diba sabi ko wag na wag kang pupunta dito..!!!" dagdag pa niya.yung kaninang shock face niya napalitan ng worried face.

Tsaka niya ako pinag tulak tulakan pero hindi naman niya ako maitulak dahil mas matangkad ako sa kanya.

"say yess....!!!! yes...!!!! yes...!!!" sigaw nung isang babae sa tabi ko.

bat ba ang ingay nila.?? sino ba yung pinag pipistahan nila.??

napatingin ako dun sa tinitignan niya.

May mga banda,balloons and banner na nag sasabi ng i love you.please say yes.

The Jersey's Only Exception(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon