Hurethane Hyle's POVJuly 25, 2021
“Okay, let's go. Wala ng mga Chihuahua.” I heaved a deep breath.
Thank God, their scary dogs are gone.
Naglakad na ako papasok muli sa village nina Jewel ngunit napahinto rin kaagad. Napalingon ako kina Augustine, East at Theo.
“I said, let's go. What are you guys waiting for?”
Ano na naman kaya ang mga kalokohang naisip nila? Mukha silang mga sad boy, pero mukhang mga tangang nagpipigil ng tawa.
Maybe, they are just having fun of my fear again. Wala namang kaso para sa'kin kung pagtatawanan ako dahil lang sa takot ako sa aso. Kahit naman ako ay natatawa minsan. Chihuahuas are cute, they look angelic but their looks can't break my fear. Takot ako sa kanila kahit mahal pa sila ng lahat.
I still remember how friendly and kind I am to my classmate's chihuahua when I was in grade two. Pero anong ginawa? Kinagat ang puwet ko. It's funny, yes. But I really cried so much because of pain and the fact that I somehow felt betrayed by that dog.
Akala ko, lahat ng mga pinakitaan ko ng kabutihan ay magiging mabuti rin sa'kin. Pero sa ginawa ng chihuahua sa'kin, mas na-prove lang na hindi lahat ay magiging mabuti sa'yo. Hindi lahat ng mukhang mabait ay mabait na.
“Oh, sige na. Tama na ang drama, everyone. Pansinin na natin si Yuri.” East said.
What? So they planned to ignore me? May tampo pa rin ata sila matapos ko silang i-block at matagal bago ko sila binalik sa group chat. It's their fault anyway.
“Sus, ang sabihin mo East, marupok ka! Akala ko ba sasamahan lang natin si Yuri ngayon? Pero hindi natin siya papansinin?” ani ni Theo.
Tsk. Theo is Theo. Naninindigan sa napag-usapan. Pero. . . walang hiya lang. Medyo nakakatawa lang. Parang bata ang napagkasunduan nila. Well, they're often like that when we're together.
“Ganito kasi yun, Theo. . .” biglang pumagitna si Augustine kina East at Theo. Tama lang dahil nangangamoy away. Talk fight.
“Kung hindi pa natin papansinin si Yuri, edi mawawalan siya ng gana sa'tin? Kasi kasama niya nga tayo pero para namang mga patay. 'Di ba? At kapag nangyari yun, edi papaalisin niya tayo. At kapag pinaalis, edi hindi tayo makakain sa mga handa ni Jewel!” paliwanag pa ni Augustine.
Tangina talaga. Bigla akong natawa at sumunod din si East at Theo. Para talaga kaming mga bata ngayon.
“Itigil niyo na 'yan. Augustine is right. Hindi talaga kayo makakakain.” ani ko.
Sabay na kaming lahat na pumasok sa village, deretso sa mismong bahay nina Jewel. Pagkarating namin ay agad akong inakyat ng kaba. May mga kotseng nakaparada sa labas, malamang ay mga bisita. Samantalang kami ay mga naglakad lang dahil kuripot sa gas.
“Suit yourselves guys. Maraming babae sa loob, 'wag kayong magpapatukso.” I warned them. Though, I know how loyal they are to their girlfriends, except kay Augustine na manliligaw pa rin ang status but still, he's loyal anyway.
Agad naman akong sinalubong ni Jewel at pinapasok sa loob ng bahay nila. Nagpaiwan saglit ang tatlo sa labas. Pasimpleng kumukuha ng mga snacks na nakahain sa may fountain nila.
I was amazed by the decorations inside of their house. It's a soft indie core theme. Hindi ko na nga napansin ang mga sinasabi ni Jewel dahil sa pagkamangha.
“Hurethane Hyle!”
“Huh? What?” napalingon ako kay Jewel. She's pouting.
“Are you alright? Kanina pa kita tinatawag, e.”
BINABASA MO ANG
Admin, Notice Me
Short StoryThe head admin of a popular Facebook page found himself scrolling through the messages of their page, and accidentally opened a conversation from Jewel that is full of school-related questions.