Prologue

8 0 0
                                    

Prologue

Malakas na suntok ang isinalubong nang siguradong nakainom na si Sander nang mamataan ang pagpasok ni Luke. Agad namang natumba sa sahig ang pangalawa saka nagmura. Umirap lamang si Lorraine. Pagod na pagod na siya sa drama.

Her life is dramatic enough to enjoy this kind of scene.

Maagap namang nakatayo si Luke habang hinahaplos ang pangang tinamaan. Umalis rin agad sila sa opisinang 'yon ng hilingin ito ng pinsan n'yang si Gayle.

Apparently, her cousin traveled with her after she knew about the last will of Albert Ledesma which is Luke's father. Ayon sa abogadong kumausap sa kan'yang pinsan ay makukuha lamang ng pangalawa ang mana kung magpapakasal ito sa isang Saguirre. Fucked, right? Why do the old ones in the family keep on fucking with the younger ones?

Naiirita s'yang pumasok muli sa opisina nang pahintulutan na ulit sila ni Gayle.

Her shit of a brother named Leroi was the one responsible for their gathering today. Mayr'on raw itong napaka gandang solusyon para sa problema nina Luke at Gayle.

She wanted to puke. Nakakita na naman ng pagkakataon ang lalaki para gawing advantage ang sitwasyon ng ibang tao.

Kasi naman, ang pinsan n'yang may ginintuang puso ay mas pinili pa ang pumunta ng Maynila kahit pa ikakasal na ito sa araw na mismong iyon sa talaga namang mahal nitong si Alexander Benitez. She will give it to her though. Two dashing princes are after her heart.

Good for her cousin because if she is to be asked she will only answer that men are all just piece of shit. Kahit nga kapatid niya. Lalong-lalo na ang iba pang myembro ng pamilya nila.

"So?" simula ni Leroi. Nakataas ang isang sulok ng labi. Sigurado s'yang may pina-plano. "Is everyone settled?"

Sabay silang umirap ni Gayle. Naiirita namang nagsalita si Sander, ang mapapangasawa nito. "Can you say what you want to say quickly at magpapakasal pa kami?"

"Stop your games, Leroi," hindi niya na napigilang paninita. "People here have still many things to do."

Pinagsalikop nang kinakausap ang dalawang kamay. Nakataas na naman ang kilay habang naka-ngisi. 'Yung ngisi na hindi magpapa-lamang. Alam na alam ni Lorraine ang ngisi na 'yon. Ngisi nang alam n'yang mananalo at makukuha ang gusto.

"Well," Leroi leaned forward. "I have read Mr. Albert Ledesma's last will and testament."

Automatic ang paglingon ng lahat sa anak nang nabanggit. Magsasalita sana ang lalaki ngunit mayabang na itinaas nang nagsasalita ang kamay. Pinapatahimik ito. Muli n'yang inirolyo ang mga mata sa kayabangan ng kapatid.

"And, I just have the perfect solution."

"So, what's in your head? Your super bright idea?" ani ng pinsan n'yang naiinis na rin.

Isa-isa silang tinignan ni Leroi. The guy is enjoying this. He's always been enjoying the game, aminin man nito o hindi.

"The will says," tinignan nito si Luke. "You can only get your inheritance if you marry a Saguirre. Not necessarily Gayle Saguirre."

Mabilis ang naging pag-iling ni Lorraine nang mapako sa kaniya ang mata ng lahat ng tao sa silid na 'yon. No! He can't do this to her! She won't let him do this!

Lorraine never speak a word hanggang sa makabalik silang lahat sa Soccorro - kung sa'n gaganapin ang kasal at reception ng pinsan niya. Mayr'ong rancho ang pamilya ng lalaki at d'un napili ng magkapareha.

Nilapitan siya ng kapatid sa kalagitnaan ng reception. Abala ang lahat sa pagkain at pakikipag-kwentuhan. Namataan niya na miski si Luke, na ex ng bride, ay masayang-masaya sa pakikihalubilo sa ibang tao: kilala man nito o hindi.

Kinuntento na lamang ni Lorraine ang pagmamasid sa lahat. Nasanay na s'yang mag-isa. Ni hindi niya nga alam kung paano ba ang talagang makipag-usap sa ibang tao kung hindi lamang tungkol sa negosyo. She suddenly missed the peace of her own condo unit—which is the only place in the world she feels comfortable.

"Fuck off, Leroi," ani niya kahit hindi pa nakakalapit ang kapatid. Gaya niya, may hawak itong baso na naglalaman ng alak.

Tila ba wala itong ginawang kasalanan sa kaniya dahil nagagawa pa nitong ngumiti. Lalo s'yang nainis.

"I did it for you," sagot nito na nakataas pa ang isang sulok ng labi. Proud pa talaga!

Mapang-akusa niya itong tinignan. Mapanumbat. "You're selling me just like what he attempted to do!"

Dumilim agad ang anyo ng lalaki. Nagtagis ang panga. Tila ba bumalik rin dito ang mga alaalang gusto man nilang kalimutan pero hindi pwede kasi kahit kailan ay hindi na mabubura. Mga alaalang parte na ng pagkatao nila. Mga alaalang naging sanhi kung bakit sila naging sila.

"I am doing this to protect you," tiim-bagang na sagot ng kan'yang kapatid.

Humapdi ang puso niya. Hindi niya na alam. Maraming ginagawa ang kapatid niya na hindi niya na maintindihan. "You are exploiting me and you are putting an innocent person in danger."

Tumanaw sa mga bisita ang kapatid ngunit alam ni Lorraine na hindi iyon ang nakikita ng lalaki. Alam niya na ang nangyayaring gyera ang naglalaro sa isip nito at ang sumasayaw sa paningin nito dahil gan'on ang nakikita niya.

"Kayang sagasaan ni Sander ang kahit na ano at ang kahit na sino para kay Gayle at sa mga anak nila," uminom ito sa hawak na baso. "Alam kong kaya ring harangan ni Luke ang kahit na ano at kahit na sino para sa babaeng mahal niya."

Itinapon ni Lorraine ang babasaging baso kaya naman lumikha iyon ng ingay. Kung may nagulat man, 'yun ang mga bisitang malapit sa kinaroroonan nila.

"Kaso, hindi niya ko mahal."

The KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon