Chapter 3
It's been a week after their wedding and Lorraine is so exhausted from work but mostly in avoiding Luke. Nagpapasalamat na lang talaga siya na maunawain ang lalaki ngunit hanggang kailan naman kaya?
Ayaw niya na munang isipin 'yon. Hihintayin niya na lang.
She was so immersed in getting her keycard when she felt someone was behind her. Instead of fishing the card, she collected herself and slowly reached for her Glock.
Sa paglingon niya ay agad n'yang itinutok iyon at ang nanlalaking mga mata ng asawa ang nagisnan niya. Sa gulat nito ay nabitawan pa ang kinakain na fries. Nasa ere na agad ang dalawang kamay.
"Bakit ka ba laging nanggugulat?!" pagalit niya rito. Ibinabalik nang muli ang baril sa kulay puti n'yang shoulder bag.
Dahan-dahan nitong ibinaba ang kamay habang nakamulagat pa rin. Pinanlakihan pa talaga siya ng mata. "Ikaw itong bigla-biglang nanunutok d'yan, ako pa ang nanggugulat?"
Humawak pa ito sa tapat ng dibdib. "Aatakihin ako sa'yo."
Huminga siya ng malalim saka ipinagpatuloy ang pagkuha ng keycard. Mabilis n'yang binuksan ang pinto. Walang paapaalam na sumunod sa kaniya ang lalaki.
She saw him look around. Mukhang okay na ito. She was waiting for him to ask about her gun but she got none. Tila ba wala na agad rito ang nangyari.
"I didn't know you were so into... Little Mermaid."
Pinasadahan niya rin ang buong silid. Hindi niya naman masisisi ang lalaki. Mukha naman talaga itong pumasok sa isang bonggang aquarium o 'di kaya ay nag-trip underwater.
Sumusuka ng iba't ibang shade ng kulay asul at berde ang buong unit niya. Magmula sa painted walls and ceiling nang karagatan at mga naglalangoy na iba't ibang uri ng hayop na matatagpuan doon, clamshell couches, mga palamuting corals, reefs, starfish, at kung ano-ano pa ay naka-disenyo sa munti n'yang tahanan.
Itinago niya ang pamumula ng pisngi sa hiya. Naglakad na lamang siya papunta sa pinto ng kwarto.
"I know it's stupid but whatever."
Nainis siya sa narinig na mahinang pagtawa nito kaya nilingon niya. Luke is now comfortably sitting on one of her couches at yakap pa nito ang malaki n'yang Flounder stuff toy.
"What?" lumilibot pa rin ang mga mata nito. "Who says it stupid? I find it cute. Ikaw ang nag-design nito lahat?"
She stared at him and she's sure he is just genuinely curious. Sometimes she even considers herself as childish for liking these things but when she saw him genuinely accepting this side for her, she felt relieved.
Parehas s'yang natutuwa at natatakot sa pagtanggap nitong 'yon. Parehas n'yang gusto at ayaw na tanggapin siya nito ng buo. Ngunit, parehas rin s'yang malulungkot at matutuwa kung sakaling hindi siya nito matanggap.
Sa bawat araw na sinusubukan nitong mapalapit sa kanya ay mas lalong gumugulo ang sistema niya. Hindi niya alam kung ano ba ang susundin. 'Yun bang nararamdaman n'yang ligaya na pwede naman nitong ikapahamak o 'yun bang pipiliin niya na lang ang muling mag-isa habang pwede pa itong makawala.
Huminga siya ng malalim. Nagpapatalo sa sarili.
"Kumain ka na ba?"
Luke stopped wandering his eyes. Muling nanlaki iyon hanggang sa unti-unting naningkit na tila ba hindi alam kung ano ang unang mararamdaman. Magugulat ba o maaantig? At the end, he cleared his throat and settled in flashing his naughty grin.
"First official date na ba natin 'to?"
Pinigilan niya ang matawa. Itinago na lamang 'yun sa pagrolyo ng mga mata. She has always found this guy adorable. Madalas itong nakakainis dahil talaga namang alaskador but she can't deny that he really is a charmer.
BINABASA MO ANG
The Knight
RomanceLuke and Lorraine's story. (Started writing 2018, posting again at 2021) Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious mann...