Hi sa inyo! pangalawa ko palang story ito sa wattpad at 1st LOVE STORY na gagawin ko.... honestly
di talaga ako marunong gumawa ng love story, pero pag dating sa horror?.....di ako
pahuhuli..horror fan kasi ako. hahahaha :)..ngunit wala naman sigurong masama kung susubukan
ko diba?.. kung corny ito...hindi ko na itutuloy, pero pag patok...cge GAME! sana magustuhan niyo!!
"Hahaitz... ayan na naman sila, binobola na naman ako", ako nga pala si Kevin John, 4th year highschool student, isasabi ko sa iyo ang itsura ko....hahaha....ako ay maputi, maraming pimples at acne sa mukha, mala bagul ang buhok, may bigote na sa mukha at sabi nila.. sagwa daw akong manamit.
Lagi nila akong tinutukso kay Jane, ang ikatlong heartthrob sa 4th year, maganda siya at matalino.
"Hi kevin....",
"Aaaaaahhhhhhhhhh....UUUUUUUuuuyyyyyy......" sigaw ng mga classmate ko nang nag "hi" si Jane sa akin. Alam ni Jane na may gusto ako sa kanya dahil ikinalat ng traydor kong bestfriend na si Robert ang feelings ko...KAINIS!!!!! pero kahit ganun, best friend ko parin siya.
"Uy Kevin ano isasagot mo, nag hi sayo si Jane oh," sabi ng isa kong kaklase.
Napayuko ako sa kahihiyan at lumabas ng classroom, kahit nasa labas na ako, narinig ko silang nag tatawanan.
Alam ko naman eh, alam ko namang binobola lang ako ni Jane, yung mga sinasabi niyang "gwapo daw ako, pogi daw ako", sus, di ko pinapaniwalaan iyon.
..............
.............
Naku nag ring na ang bell.......papasok na ako sa classroom, teka!, di ko pa pala nauubos itong banana cue ko, pero sige lang, sa room ko nalang to tatapusin.
"Best! tapos ka na ba sa assignment mo sa math, kung hindi pa, pakokopyahin nalang kita", sabi ng isa pang bestfriend ko na si Anne.
"Ay naku best salamat talaga, nakalimutan ko kasing sagutin eh, ahahaha", sabi ko sa kanya.
"Di bale yun best, halika tabi tayo",
Tatabihan ko na sana si Anne pero may sumitsit sa akin,
"psst....psst....'
Naku poh! si Jane na naman,
"Hi kevin!! pwede bang share tayo sa banana cue mo??"
"AAAAAAAAAAhhhhhhhhh............Share mo nayan!!!!" hiyawan ng mga classmates ko.
Diyos ko po, anong isasagot ko sa kanya?..kalalake kong tao ngunit duwag....
Nilapitan niya ako at kumagat siya sa banana cue ko doon sa parteng hindi ko pa nakagatan..
"Ang tamis...sabi nila, mas nagiging matamis daw ang pagkain kapag inLOVE ang kumakain" -Jane
"Ahhhhhhhhhhh.........matutunaw na yan si Kevin!!!!" hiyaw na naman ng mga klasmates ko,
Lagi akong binobola ni jane... sa mga quizzes namin, sinisigaw niya sa klasroom na "inspirasyon ko si Kevin!!", at.. as expected, nag hiyawan na naman mga kaklase ko.
Teka, nakalimutan ko na nga palang tumabi kay Best. Nilapitan ko si Best para tabihan siya pero parang nawala siya sa mood na makipagkuwentuhan. Wala pa naman ang English teacher namin kaya't magkukuwentuhan nalang kami.
"Best, sabay tayo mag lunch mamaya ha? tayo ni robert?" -Ako
"Wag na, sa iba nalang ako sasabay mamaya."
Teka, ba't parang nagalit si Best, may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan?
"Best galit ka ba?”
"Hindi..wala to, wag mo akong intindihin, intindihin mo nalang si Jane."
sus, akala ko galit si Best, hindi pala. Teka, i sh-share ko kay best tungkol sa mga kilig ko kay jane.
pero bakit parang hindi nakikinig si best?,
...............
Hindi na nakapasok ang Eng. teacher namin kaya't inabutan na kami ng bell. LUNCH TIME na!!!
"Tol, sabay ba tayong mag lunch?" tanong ko kay Robert.
"hindi nga pala ako makakasabay, nag aantay kasi yung papa ko sa guard house tol eh, kayo nalang ni Anne."
Naku, pano nayan...bad trip naman o, sabi ni best anne hindi na daw siya sasabay. ngunit bakit kaya biglang nagbago desisyon at mood niya. hmmmmmm...
Ako nalang nag lunch mag isa sa canteen, wala akong kasabay.. maraming ayaw akong makasabay kasi daw panget ako. Ang bulgar ano?, PANGET DAW AKO. totoo naman eh, kahit maputi ako, panget ang mukha ko. Buti pa sila best Anne at tol Robert, tanggap pa ako.
Papunta na ako sa classroom namin, madadaanan ko ang girl's CR, narinig ko na may nag tatawanan sa loob, andun si Jane, boses niya yun.
"Naku Jane ah, baka ma fall ka talaga diyan sa kevin na yan"
"hoi hindi noh, binobola ko lang siya, mataas kaya standards ko. Binobola ko lang siya para naman makaranas din siyang kiligin, marami kayang nag hahabol sa akin.. tas yung kevin na yun pa? eewww,, ipapakita ko lang sa kanya na wala siyang chance at nang matigil na ang crush niya sa akin."
"ahahahaha, tama ka"
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, teka umiiyak na pala ako. Oo, alam kong binobola niya ako pero hindi ko alam na yun pala ang hangarin niya. buong maghapon ay andun nalang ako sa clinic, ginawa ko nalang rason ang sakit ng ulo para payagan akong matulog dun. Hindi na tuloy ako makakapag kopya sa math.
~~~~Pag uwian~~~~
Hindi parin ako tumigil sa kakaiyak, BAT PA BA KASI AKO NAGING PANGET. tanging si best Anne nalang ang katext ko, sa kanya ko inilalabas lahat ng aking sama ng loob.
Alam mo? para ko nang kapatid si Best, magkakasama kami sa lahat ng masasaya at mapapait na karanasan. Buti hindi na galit si Best sa akin, siguro bigla lang talaga uminit ulo niya kanina.
Tinext ko sa kanya: "BAT BA KASI NAGING PANGET AKO"
hindi ko inasahan ang reply niya. "HINDI KA PANGET BEST, KULANG KA LANG TALAGA SA AYOS,"
Dahil si best ang nagsabi ay naniniwala ako kahit mahirap, hahaha, tumingin ako sa salamin. kapal ng buhok ko, dami ng bigote ko, pati rin pimples at acne ko.
Next week ay sem break, kaya may 1 week akong makapag bago. Aayusin ko ang mukha ko, pagaaralan ko kung papaano mang harana, paano magpakilig at higit sa lahat......KUNG PAANO MAMBOLA... kailangan si Jane ang mabola ko, ako dapat ang mambobola sa kanya.
Next week ang pagbabago ng ayos ko, at next next week ay back classes, ako na ang mambobola. Kailangan kong ibaliktad ang lahat. I have to REVERSE THE SITUATION,
nag search na ako sa net:
1. LATEST HAIRCUT STYLES –korean style gusto ko dito, hahahahaha
2. HOW TO SHAVE MUSTACHE
3. HOW TO REMOVE PIMPLES AND ACNE NATURALLY
4. HOW TO PLAY GUITAR FOR BEGINNERS
At may pinsan ako na si Bryan na numero uno sa pambobola…kaya sa kanya ako magpapaturo…….
sisimulan ko lahat to bukas...at siyempre...with the tip of my bestfriends..ahaha :)
maganda ba? mag comment lang kayo, pag umabot to ng 80 comments at pag may maraming good feebacks, itutuloy ko ito. TNX

BINABASA MO ANG
Reverse the Situation in 7 days of school [one SHOT story] on going
RomanceMaraming mga mambobola ngayon...mapa lalake man o babae..basta't gwapo o maganda.. kayang mambola. Ngunit mag ingat2x sa pambobola, baka mabaliktad ka at ikaw ang MABOLA! (rhyme ano? hahahaha) sana magustuhan niyo ang gawa ko.