Chapter 2. Mysterious Guy

30 0 0
                                    

Ashley's POV

Hi guys! My name is Ashley Lauren Gomez. Actually sa barkada ako lang ang may boyfriend. Ewan ko ba kung bakit walang mga nagtatagal sa mga kaibigan ko, palibhasa hindi pa nakakahanap ng katapat. Well, lahat naman sa amin kaclose ko. Okay that's enough.

Andito na nga kami sa kwarto kanina pa, at nagbabalak na kaming lumabas at gumala gala man lang. Tutal maggagabi na rin. Nagpunta na kami sa restaurant para kumain. Habang naglalakad kami papunta sa restaurant may nakita akong di ka nais-nais, ang boyfriend ko may kahalikang ibang babae. Hindi ko na napigilan at lumapit ako sa kanila.

"Walang hiya kang hayop ka! Ang sabi mo sa akin busy ka sa family mo yun pala busy ka sa ibang babaeng haliparot. Mga hayop kayo! Magsama kayo!!!" Sabi ko at sinampal ko siya sa harap ng babaeng kahalikan niya. I think i know that girl, siya ata yung ex ni Daniel(yung dati kong bf na ex ko na).

Tumakbo ako, habang tumatakbo ako hindi ko na napigilang maiyak. Sinusundan ako ng mga kaibigan ko. Nakita ko pa ngang kinausap ni Adeline si Daniel at sinampal rin. Nagpunta ako sa kwarto at nawalan na ng ganang kumain. Hanggang sa nakatulog na.

Adeline's POV
Naaawa ako kay Ashley dahil alam kong seryoso siya sa relasyon nila pero mas okay na rin na nakita niya para hindi na siya magmukhang tanga. Pinabayaan na muna namin si Ashley sa kwarto. Nakatulog na rin kasi. Kaya papunta na ulit kami sa restaurant at kumain. Pagkayari namin kumain nagkanya kanya kaming tambay sa tabing dagat. Nakaupo ako sa batong malaki. Nag iisip isip. Iniisip ko kung bakit sino pa ang tunay na nagmamahal sila pa yung mas nasasaktan at niloloko? Haysss. Ewan ko ba. Habang nasa malalim akong pag-iisip, may tumama sa paa kong maliit na bato. Tinignan ko kung saan nanggaling at nakita kong nagbabato ng bato yung lalaki sa dagat. Siya yung lalaking nakabunggo ko kanina. Tumayo ako at kinausap siya.

"Hoy kuya, nakakatama ka. Kung magbabato ka ng bato paki-ayos naman, natataman din kasi ako." Sabi ko. Tinignan lang ako ng lalaki. At inirapan. Wtf wala pang umiirap sa aking lalaki. This is the first time.
"Umalis ka kasi diyan, ayaw mong matamaan pero uupo upo ka diyan." Sabi nung guy at nag walk-out na naman. Hilig niya talaga mag walk-out ey. Medyo nainis ako na medyo na challenge. Never in my life na may gumanon sakin. Hahaha. Humanda ka sa akin kung sino ka man. At bumalik na ako sa kwarto namin. Kinuwento ko pa nga sa mga kaibigan ko yung nangyari kanina at ngayon. Natatawa sila dahil sa wakas daw ay nakahanap na ako ng katapat ko. Ako kasi yung taong masungit sa boys.

"Hahaha. Gwapo ba yung guy?" Tanong ni Rovhie.
"Sakto lang, feeling ko matanda na siya eh pero looking good naman" sabi ko.
"Hmmm. Nako, sa pa-ganyan ganyan nagsisimula yun eh" sabi ni Nicole.
"Dami niyong alam! Matulog na nga tayo." Sabi kong medyo naiinis.
"Ayieee!!!" Sabi ni Wendee at Rovhie.
"He!" Sabi ko.

At humiga na kami sa kanya kanya naming kama. Actually tatlong kama yon. Ang magkakatabi ay Ako at si Wendee, Si Rovhie at Nicole at Si Ashley mag-isa lang. Dahil mas mabuting mag isa muna siya sa ngayon.

---------------
Author's Note : Pagpasensyahan po kung pangit yung story. I hope you all like it. Just vote, support, share and comment. Thanks ☺️💕

Unforeseen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon