Don't cry because it's over, smile because it happened.
Isa rin ba kayo sa mga taong nagmahal ng sobra? Yung tipong halos wala na kayong itinira sa sarili nyo? Naranasan nyo naba na gabi gabi umiiyak, kase masyado kana naguguluhan sa mga bagay bagay? Yung pakiramdam na yung sobrang hirap na hirap kana? Yung taong kaisa isahang kinakapitan mo ay binitawan ka?
Nung time na kami ng ex ko, syempre sa umpisa sobrang sarap diba? Tipong hayahay kayo, nagagawa namin mga gusto namin. Hanggang sa nagsundalo sya, nag training sya, naka graduate. Okay kami. Alam kong okay kami, lumaban ako kasi sabi nya hintayin ko sya. I did ^_^ Hinintay ko sya gaya ng sabi nya pero tutol na samin ang family nya kasi pera nalang habol ko "daw".
Pero lahat yon ininda ko dahil hindi pa man sya sundalo kami na eh, lahat ng paninira pinasok at inilabas ko lang sa tainga ko. Mahal ko kasi eh, mahal na mahal. To make the story short, naghiwalay kami kasi hindi ko na kinaya, nagbago sya, nagbago ako, nagbago kaming dalawa pero hindi ako bumitaw agad. Sabi ko sa kanya "Ayusin natin, please"
Yun nadin pala yung time na may iba na sya.....
Habang ako nagmamakaawa na huwag nyang iwan, masaya na pala sya sa iba. Pero hindi! Hindi ako papayag hanggat may pag asa pa, kaso..............
Wala na pala talaga, kinimkim ko. Umiyak akong tahimik, itinago ko yung pains. Nagkasakit ako, sa loob ng 100 days nirespeto ko sya, 100days break up rule tawag ko don but not sure if ganun din sa iba, nag heal ako. Araw araw akong nag pray, araw araw akong umiiyak, lumalaban mag isa.
But that was year ago, ngayon? Masaya na ako and sana ganun din sya.
Nakakilala ako ng isang Saksi ni Jehovah at parehas na kaming naglilingkod sa kanya <3
Si Jehovah yung naging sandalan ko sa mga oras na hirap na hirap ako, si Jehovah yung gumabay at yumakap sa mga oras na ako ay gulong gulo.
I am so blessed to have Ken in my life.
Kaya sa ibang mga broken dyan, keep fighting mga beh!
Lahat ng pains na nararanasan mo, maoovercome mo lahat yan. Hindi ka nagkulang, hindi ka sumobra.
Wala kang kasalanan nagmahal ka lang,
Bunny.

YOU ARE READING
A Short Story
Krótkie OpowiadaniaDon't cry because it's over, smile because it happened.