Introduction
Si Christian..isang lalaki na wala ng ginawa kundi mag-aral lang..hindi alam kung paano magmahal..
Paano kung isang araw magbago ang lahat??
Sino ang magbibigay sa kanya ng kahulugan tungkol sa pag-ibig??
Tunghayan ang natatanging kwento na binuo upang ipakita ang totoong nararamdaman ng isang torpe at walang alam sa pag-ibig.
Paano naging kumplikado ang pag-ibig?
Ating alamin at tunghayan sa kwentong ito....
Pag-ibig "Its Complicated"
---------------
Ako si Rey Christian Buenavista. Matangkad at medyo maitim. Di ko rin masasabi kung gwapo ako pero yun ang sabi ng mama ko. Hehe. Hindi naman ata masamang maniwala sa magulang.
Payatot ako. Meron ngang isang tao na yan ang tawag sakin habang taba naman ang tawag ko sa kanya kahit hindi naman. Tumaba kasi siya dati.
Sabi nila matalino raw ako at talented. Ayoko naman tanggapin yun kasi di ko maamin sa sarili ko na ganun ako.
Priority ko ang pag-aaral para makatulong sa aking mga magulang. Hindi naman kasi kami mayaman. Sakto lang kungbaga. Tama na ang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Ultimo nga allowance ko tinitipid ko para di na nila problemahin mga project ko.
Ganyan ako bilang estudyante at anak ng aking magulang.
Hindi naman ako yung taong nerd kung tignan kasi hindi naman ako tutok na tutok sa pag-aaral. Yung tama lang na may alam sa isang topic at makasagot sa bawat tanong ng mga guro.
Meron din naman akong mga kaibigan. Sila yung since bata pa lang kami ay sila na yung kasakasama ko.
Sila ay sina Roselyn Garcia, ang matanda saming grupo. Nagkarelasyon siya sa kapwa babae pero hindi siya ang tomboy.
Si Coreen Lee, half chinese half filipino. May kapatid siya na kagrupo din namin. Carylle Lee. Magkaibang magkaiba sila ng ugali. Si Coreen ay medyo sensetive habang si Carylle naman ay adventurous.
May kasa kasama si Carylle na kagaya niyang adventurous din. Si Tipsy Lyn Palma. Ito ang babaeng walang inuurungan. Palaban kung palaban pero hindi siya tomboy.
May kapatid naman siyang medyo matured ng mag-isip. Sheryl Mae Palma. Siya yung nagiging leader sa grupo namin pero ayaw niya naman maging bossy samin.
Si Dustine Andromeda naman ang pasaway sa grupo. Laging nasasangkot sa gulo pero hindi naman siya gangster. Napagkakamalan lang dahil sa itsura nito. Medyo mahaba ang buhok. May mga tattoo at laging nakablack.
Greyson Nacion naman ang lagi kong kasama lalo na sa pag-aral. Ito talaga yung nerd na matatawag. May pagkaKJ kasi to at ayaw sumama samin sa paghahang-out. Libro lagi ang hawak.
Ang kapatid naman niya ay ang laging kasama ni Dustine. Michael Nacion. Ibang iba ito kay Greyson. Siya ang panganay pero kung titignan si Greyson pa ang mukhang panganay.
Ang joker naman ng grupo ay si Lucio Telma. Pero gusto niyang itawag namin sakanya ay Lucia. Bakla siya pero ayaw niyang tinatawag namin siya sa salitang yun. Hindi din naman siya nagsusuot ng pangbabae. Ewan ko ba diyan. Ayaw niya lang siguro.
Yan ang grupo ko na simula bata pa kami ay kalaro ko na hanggang ngayon kajamming ko pa. Halos di na kami mapaghiwalay sa isa't isa.
Halos lahat sila ay nagkaroon na ng mga karelasyon. Ako na lang ang natatanging kagrupo na wala pang naging nobya. Ewan ko ba. Masaya naman ako sa pagiging single. Ang kaso medyo napepresure ako dahil halos gusto na nila akong magkaroon ng girlfriend.
Eh sa hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. Kailangan ko pang magtapos at makatulong sa aking magulang.
"Mag girlfriend ka na nga.."
"Ikaw na lang ang walang lovelife satin."
"Gusto mo hanapan ka namin.."
"Uy eto meron ako kilala."
Ganyan nila ako pinepresure. Ganyan sila kagusto na magkagirlfriend ako.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig "Its Complicated"
RomanceSi Christian..isang lalaki na wala ng ginawa kundi mag-aral lang..hindi alam kung paano magmahal.. Paano kung isang araw magbago ang lahat?? Sino ang magbibigay sa kanya ng kahulugan tungkol sa pag-ibig?? Tunghayan ang natatanging kwento na binuo up...