Rey Christian Buenavista, 23 years old, matalino at talented when it comes arts. Mabait. Accountancy student sa St. Dominic College. NGSB at wala pang balak magkagirlfriend. Paano kung makatagpo siya na magpapatibok ng kanyang puso? Ano kaya ang kanyang magagawa?
Coreen Lee, 23 years old. Medyo may pagkasensitive at maarte. "Time check" kung tawagin ng grupo dahil siya laging tumitingin ng oras. Minsan ng nagkaboyfriend pero hindi tumagal. Paano kung isang araw magkita muli sila? Maibabalik pa kaya ang dating pagsasama o hanggang kaibigan na lang ang turingan ng dalawa?
Carylle Lee, 22 years old. Bunsong kapatid ni Coreen. Magkaiba silang magkapatid dahil siya'y may pagka-adventurous. Chef din ng grupo. Hilig talaga niya ang pagluluto kaya ito rin ang kinuha niyang kurso upang matupad ang pinapangarap. Graduating na siya ngayong taon sa St. Dominic College. Dalawang beses ng nabigo sa pag-ibig. Makahanap kaya siya ng totoong magmamahal sa kanya?
Tipsy Lyn Palma, 22 years old. Kasa-kasama ni Carylle pagdating sa mga galaan. Pareho kasi sila ng ugali. May pagka-adventurous. Pero kung sa pinapangarap ay iba ito. Wala itong gusto na kahit anong propesiyon. Mas gusto lang nito ang kumita para makatulong sa pamilya. Ilang beses na kasi itong huminto ng pag-aaral kaya nahuhuli sa grupo. May kasalukuyang may nobyo. Hanggang sa huli sila kaya?
Sheryl Mae Palma, 24 years old. Kapatid ni Tipsy at medyo bossy ng grupo. Kung tutuusin lahat ng desisyon niya ay nasusunod. Tanggap naman ng grupo kahit ganun siya dahil wala namang nasusunod na desisyon sa bawat isa. Kasalukuyan ding may nobyo. Maging sila pa din kaya sa hinaharap?
Dustin Andromeda, 23 years old. Ang pasaway sa grupo. Pero matino naman kung minsan. Isip bata kung minsan dahil sa mga trip nito. Paano kaya mababago ang ugali niya kung makatagpo siya ng isip matured sa kanya?
Greyson Nacion, 23 years old. Ito ang tinatawag ng grupo na nerd. Laging kasa kasama ang kanyang libro. Minsan lang sumama sa lakwatsa at trippings ng grupo. Paano kung may makatapat sa kanya ng talino?
Michael Nacion, 24 years old. Panganay na kapatid ni Greyson. Basagulero. Laging nasasangkot sa away. Gangster kunbaga pero mag-isa lang. Mabago kaya ng isang babae ang angas niya?
Lucio Telma, 25 years old. A.k.a Lucia. Ang nangunguna sa pagpapatawa dahil sa kasarian nito. Walang kapintasan sa pagiging bakla niya dahil mabuting tao siya. Makahanap kaya siya ng tunay na pag-ibig sa isang lalaki o di naman kaya sa babae?
Roselyn Garcia, 26 years old. Ang panganay nang grupo. Medyo may pagkalesbian pero ayaw maging ganun. Nagkagirlfriend pero hindi rin nagtagal. Makatagpo kaya siya ng lalaki na mamahalin siya sa kabila ng kanyang nakaraan?
Yan ang grupo na pinagtagpo tagpo ng tadhana. Simula pagkabata. Dahil sa inuman. At sa school ay nagkatagpo ng tunay na kaibigan. May pagkakaiba sa isa't isa pero nagkakasundo sa trip ng buong grupo.
_______________________
A/n: Ang kwento po na isusulat ko ay tungkol kay Rey Christian Buenavista. Yung iba po ay ibang story naman. Pero di ko sure kung magagawan ko sila pero susubukan ko po. Salamat.Vote and comment please. Kahit negative okay lang pero magiging masaya ako kung positive. HEHE.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig "Its Complicated"
RomanceSi Christian..isang lalaki na wala ng ginawa kundi mag-aral lang..hindi alam kung paano magmahal.. Paano kung isang araw magbago ang lahat?? Sino ang magbibigay sa kanya ng kahulugan tungkol sa pag-ibig?? Tunghayan ang natatanging kwento na binuo up...