Habang unti-unti akong papaalis sa happy park ay nawawala na rin ang luha sa aking mga mata at umuwi na rin ako ng bahay at nakita ko na bukas ang gate at pintuan namin kaya't pumasok na ako sa aming bahay. At dali dali akong sumilip sa kwarto ng aking inay. Nakita ko ang aking nanay na nagdarasal kaya't pinakinggan ko ang dasal niya ng palihim.
Mahal kong Diyos maawa po kayo sa akin. Huwag niyo po muna akong kunin. Hayaan niyo nalang muna po akong magdusa dahil sa sakit kong cancer. Patawarin niyo po ako dahil di ko po masabi sa anak ko ang tungkol sa sakit ko. Hihintayin ko muna ang tamang panahon upang masabi sa kanya ang totoo.
Panalangin ng aking nanay
Totoo ba ang narinig ko?
Bulong sa sarili
Habang nakita Ako ng aking nanay na nakatingin sa kanyang kwarto.
Kanina ka pa ba dito anak?
Malamyang tanong ng aking ina
At bigla nalang tumulo ang aking luha.
Bakit di niyo agad sinabi sa akin.
Paiyak na sabi ko
Malala na po ba yung cancer niyo?
Tanong ko sa aking ina
Stage 2 na Franis
Paiyak na sabi ng aking ina
Sana man lang inintindi mo yung mararamdan ko kapag ako pa yung maka alam ng totoo.
To be continued
BINABASA MO ANG
Ano ba talaga ang love?
Teen FictionLove is like a rosary that has full of mystery. Dahil daw may part na masasaktan ka, masaya kayo. Sabi nila masarap daw umibig, masarap mag mahal . Pero bakit pag nagmahal ka masasaktan ka. Ang buhay ko ay nagpakamalas. Laging nasasaktan , lagi na l...