April

18 0 0
                                    

Oyan's POV

[ Hi! Kamust ka na...? ]

 

 

[ Gustong mong kumain? Ililibre kita, kahit mamahalin na restaurant. ]

 

 

[ ..... mag reply ka naman... ]

 

 

[ Na saan ka na ba? ]

 

 

[ I miss you... ]

Umuulan, nakalimutan kong dalhin 'yong payong. Ah, ang ginaw dito sa waiting shield.

"Ahh! Kahit nakapayong, nababasa naman pa rin ako. Walang silbi naman pala ito eh."

Naka-upo ako dito sa bench nang waiting shield habang tinitignan sya.

Ano to? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?

Umuulan ng malakas, pero bakit may  liwanag ang aura nya?

Mas lumakas ang hagin ng tumingin sya sakin ng dahang- dahan. Parang bumabagal ang pag-galaw ng mundo ko.

Naiirita ako sa boses nya, wala syang pake sa paligid nya at muntikan na makita 'yong sa ibaba nya dahil sa ikli ng mini skirt nya. Pero hindi ko alam kung bakit maganda sya, sobrang anghel ng mga mukha nya.

"Eh?" Wika nya.

"A-ahh!" Tinakpan ko ang aking mga mukha dahil nararamdaman kong namumula ako. "So-sorry, wala."

"Huh?Eh- hahahaha!" Bakit ba sya tumatawa?

Dahang- dahan akong tumingin nang sya'y tumawa.

Napadilat ako sa aking mga mata ng humahagalpak sya sa kakatawa at tinuro nya ang mukha ko. Sobrang cute ng pagtawa nya. Bumibilis ang tibok ng puso ko, ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Hahahahahaha! Ang mukha mo namumula, parang tomato! Hahahahaha!"

To-tomato!?

AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon