Chapter 6: Botheration

563 10 2
                                    

 Dedicated to @LisaDid, thank you for reading :))

===============================================

CHAPTER 6: BOTHERATION

Faye's POV:

Whooh! Andito kami sa room ko. Namin pala. Ayokong lumabas. May nafefeel akong something. Ayokong-ayoko. Baka masasaktan na naman ako. Hindi ako makatulog. Ang ginawa ko? Wala lang. Umupo lang sa kama ko. Kapag nakahiga naman ako, hindi ako makatulog. Ano kaya ang masarap gawin? Sa labas sana kaso lang ayoko talaga. Ayoko silang makita.

Nakita ko sila, mga magulang ni Kevin. May iba pa. I think magulang din iyon ni Eunice. Sila na ba talaga? As in? Close na close na sila sa mga family nila? For real? What are they doing here? Family reunion? Vacation? At bakit naman bakasyon? October na october ngayon. Why? Anong meron? I am trying to divert my attention kanina pero ayaw eh. Nabagabag talaga ang pag-iisip ko. Argh! I don't want to think it all over again, paulit-ulit nalang 'to sa isip ko. It is so annoying.

"Faye, ayos ka lang ba?" - Ian

"Ahm, oo Ian" 

*Flashback

Umupo na ako galing sa pagkahiga pero si Ian humiga pa rin. Tumingin-tingin lang ako sa tanawin. Ang daming naliligo, mostly mga tourists ang makikita mo. Ang kinis talaga ng mga foreigners. They are so liberated. Halos makikita na ang naked body nila. Nagswimwear naman ako oo kaso lang, fit na pangswimwear. Hindi kagaya nila na halos mailuwal na ang dibdib nila at may iba naman na kita talaga ang puwet dahil naka t-back lang ito. Argh! So errr. Pero ok na 'yan sa kanila. As long as they have fair skin at wala 'yung mga darkened areas nang dahilan sa pag ka unfair ng skin. Makinis lang in short.

Nakita ko ang mga magulang ni Kevin with 2 strangers na hindi ko kilala. Nasa midfifties na at magkasing edad lang silang apat tingnan. Hindi na ako nagtataka kung sino 'yung kasama ng mga magulang ni Kevin dahil bago man ako nagtatanong sa sarili ko, kita ko na padating sila ni Kevin at  Eunice patungo sa kanila at tinawag pa ito ni Eunice na 'Mom and Dad.' Hindi siguro nila nakita kami ni Ian na magkasama. Mabuti nalang 'yun, hindi kami nakita.

"Ahm.. Ian?"

"Yes, my kitten?" ito na naman siya. Kitten na naman. Hindi ako pusa noh! Che! Makapanglait naman 'to. Hindi ko na siya aawayin at tatanungin kung bakit kitten ang tawag niya sa akin, may mas importante pa akong tatanungin sa kanya.

"Have you- a-and E-Eunice's parents met?" utal-utal kong sabi. Nabigla naman si Ian at napaupo sa tabi ko

"Why ask this thing all of a sudden?"

"Kasi.." argh! Paano ko ba 'to sasabihin sa kanya

"There they are oh. Sila ba?" tinuro ko ang bahagyang kinaroroonan nila na nakaupo ang apat na matanda sa chair at sila namang Kevin nasa table nag-uusap. Nang matagalan, umupo na rin silang dalawa, kumain at nagsubuan pa.

"Anong ginawa nila rito?" pagtatakang tanong niya pero nasa kalma pa rin ang boses

"Hindi ko alam. Family reunion I think"

Parehas na kaming nagtataka nito. Aysh! Makapaghangin na nga. Ang ibig kong sabihin pupunta ako sa lugar na mawala itong iniisip ko.

"Saan ka pupunta?" - Ian

"Doon lang"

"Sasamahan na kita"

"Ikaw bahala"

Nagpunta na ako sa malayo sa kanila. Haist! Bibili nalang ako ng souvenirs dito. Naghanap-hanap ako ng maiuwi ko sa bahay para naman may collection ako. I choose to buy bottle na maliit lang ang laki with white sand. Meron pala rito. Akala ko ba hindi pwedeng kumuha ng white sand. Siguro palihim lang sa mga hindi bumibili, but I want this one kasi with designs na rin. Pangdesign ko sa bahay pag uwi.

We Come Across ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon