Unang Kabanata

46 2 0
                                    

Kyle's Part

"Hahaha natalo nanaman kita! Sabi sayo eh, mag -aral ka ng mabuti"

"Nag-aral naman ako eh at saka two points lang ang lamang mo pero di ka naka-perfect" nag-tatampong sabi ko

Lagi na lang siyang pinaka-mataas ako 'yung laging pangalawa, pero okay lang, bestfriend ko yan eh... At crush ko siya. Wag kayong maingay ha?

Alas-kuwatro na nag hapon at pa-uwi na kami galing sa school. Magka-klase kami, grade five pareho.

"Yuri bukas agahan mo ha" sabi niya sa akin. Yuri ang tawag niya sa akin, nakaka-inis nga ehh, pero okay lang.

"Okay"

"Weh?"

"Oo nga ang kulit mo!"

"Kasi alam mo na ke kupad-kupad mong kumilos.."

"Hindi kaya!"

Nang nakarating na kami sa amin ay umuwi na kami sa mga bahay namin, ang dami nga naning assignments and projects, pero yakang-yaka lang naman..

I have a crush who's name is..... Charmaine

Ang tagal ko nang crush si Charmaine, simula palang nung sabay kaming bumili ng iced tea...

~~~~~

Hindi na ako nakalabas ng bahay kasi sa sobrang dami ng ginawa ko, kaya nga hanggang ngayon eh gumagawa pa rin ako ng project ko kahit sa susunod na araw pa ang pasahan. Lagi kaming maaga nakakapag-pasa ni Charmaine ehh....

"Yuri" napalingon ako dun sa tumawag sa akin.

"Oh? Bakit ka nandito? Tapos ka na ba?" Tanong ko.

"Oo. Ang kupad-kupad mo talaga kahit kailan. Mag-aalas nuebe na di ka pa rin tapos jan, ako nga nakapag-laro na ako ehh.."

"Oh edi ikaw na!" At tinuloy ko na yung ginagawa ko.

"Tulungan na kita jan. Wawa ka naman eh" sinabi niya yun na para bang inaasar niya ako.

Pero di ako napipikon, kasi nga sanay na ako.

~~~~

Ang Bestfriend Kong Torpe Sa ... AKIN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon