Chapter one : New school 🏘
George pov:
Nakakaantok, nakakabagot, nakakairita pakinggan ang talak ni daddy sa akin. Ilang beses niya ng inuulit-ulit ang mga sinasabi niya. Unlimited yata siya dahil hindi na siya natapos sa pananalita niya o sabihin na natin sa panenermon niya.
" Naririnig mo ba ako georgina?"
Napamulat ako ng medyo diniinan niya ang pagtawag sa akin ng totoong pangalan ko na ikinais ko.
"Of course dad, loud and clear." Napahikab pa na sagot ko sa kanya, kaya naman agad na nanlaki ang butas ng ilong niya. "Galit na naman siya."
"Suko na ako sayo georgina, wala ka ng matinong ginawa."
Pagod na umupo si daddy sa sofa habang hinihilot ang kanyang noo na animoy wala na talagang pag-asa mabuhay pa.
"I know dad na sawa kana sa akin, pero ang pagtawag mo sa akin ng georgina ay parang wala ng katapusang kasawaan."
"Dahil yan na lamang ang pangalan mo ang natitirang alala ng ina mo sa iyo pero nagawa mo pang dumihan."
"Talaga ba dad? Pangalan lang ba talaga ang alaala ni mommy sa akin?" Hindi man lang yung ganda ko ang iniwang alala.
"Bahala kana! Last university na itong papasokan mo kaya dapat magtino kana dahil kung hindi ipapadala kita sa praque."
Praque? May kamag-anak ba kami doon? Ang alam ko lang ay parehas sila ni mommy na dito na sa pilipinas lumaki. Ano naman gagawin ko doon? At saan ba ang praque nayan?
"Anong meron sa praque dad? May kamag-anak ba tayo doon?" nagtataka na tanong ko sa kanya.
Tumayo si dad habang inaayos ang kanyang necktie. " Wala tayong kamag-anak doon, kaya kapag ipinatapon kita doon bahala kana sa buhay mo."
Na shocks naman ako! Wala palang relatives pero doon talaga ipapatapon. Ganon ako kasama sa paningin ni daddy? Kaloka in finess!
Nakaalis na si daddy pero ako nandito parin sa kinauupuan ko walang kagalaw-galaw kahit nga tinawag na ako ni manang na kumain hindi parin ako tumayo o sumagot man lang.
Paano nga kaya kong tutuhanin ni daddy ang banta niya? Ayaw ko pumunta sa praque. Hindi ko naman alam ang lugar na iyon eh!
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa wala ng choice kundi ayusin na talaga ang pagpasok ko sa bagong school. Sana lang talaga maging maayos ang taon na ito.
Montreal university
Sa lahat ng school na pinasukan ko ito na yata ang pinakamalaki at pinaka madamo? Oo madamo siya dahil sa mismong kinatatayuan ko ay madamo at ang daming langgam. Kaloka naman di daddy ipapasok na nga lang ako sa eskwelahan dito pa sa gitna na yata ng kagubatan. Naubusan na yata siya ng listahan ng mga schools sa syudad at wala ng choice kaya dito na ako dinala.
Baka nagtataka kayo kung paano ako nakarating dito malamang sumakay ako sa kotse. duh! Just kidding aside, pinahatid ako dito ni daddy sa kanyang secretary na nakatayo lang sa gilid ko.
YOU ARE READING
MONTREAL UNIVERSITY ( sᴄʜᴏᴏʟ Fᴜʟʟ Oғ Mʏsᴛᴇʀʏ )
Mystery / ThrillerGeorgina Gregorio alyas George ay isang sakit sa ulo na lagi na lang naki-kick out. Ilang beses ng palipat-lipat ng eskwelahan. Hindi naman siya yung tipong naghahanap ng gulo dahil ang gulo mismo ang humahanap sa kanya. Until she entered Montrea...