CHAPTER THREE

5 6 0
                                    

nakahiga ang ulo ko sa mga hita ni lola
habang hinihimas niya ang aking buhok

"tahan na apo, kung alam mong masasaktan ka lang dapat una palang hindi mo na tinuloy"


"Ganito po ba kapag nag mamahal lola?"

tanong ko kay lola habang umiiyak

"Apo ko, Serenity kailangan mo rin masaktan pa minsan para madama mo ang totoong kahalagahan ng isang taong nabubuhay

kung makadama ka ng kalungkutan damhin mo lang wag mong pigilan"

walang araw na hindi ako umiiyak halos araw araw



may tunawag saakin at sinagot ko ang isang unknown number

"serenity kumusta kana? ang mommy ito"

hindi nag tagal ang conversation namin ng mommy ko dahil binabaan ko lang siya

hindi niya ako masisi kung bakit ako galit sakanila ni daddy



nang panahon na kailangan ko sila wala sila sa tabi ko si lola lang ang palaging andyan para saakin


nag padala ng malaking halaga si mommy and immigrant paper papuntang Ice land




hindi ako natuwa at hindi ko pinakita iyon kay lola kasi pipilitin niya ako ng pipilitin na sumunod sa mommy ko


ayokong iwan si lola, at hindi ko gagawin iyon



pinasyal ko si lola sa mall binilhan at pinakain sa masasarap na restaurant

sobrang saya ni lola yung mga ngiti niya hindi pamantayan ng kung ano man

masaya akong masaya si lola

nang makauwi na kami ni lola

pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa kama

"Apo palagi mong tatandaan na ayos lang mabigo sa buhay kasama 'yon sa pagiging tao

mahal na mahal kita apo ikaw ang naging buhay ko kung wala ka wala na rin ako"

"Ano kaba lola bakit kaba ganyan huehue kung hindi dahil sayo hindi rin ako mabubuhay lola

ikaw lang nag aruga saakin mula ng inabanduna na ako ng magulang ko"

nag iyakan kami ni lola at niyakap niya ako ng sobrang higpit

"Apo itabi mo itong litratong ito, kung sakali mang hanapin niya ako sabihin mo pinapatawad ko na siya"

inabot ni lola ang litrato ni mang joselito

"Bakit lola saan ka po pupunta?"

hindi na nag salita si lola at patuloy tumayo papuntang pintuan

bago pa man buksan ni lola ang pinto
nag iwan ito ng matamis na ngiti at luha sa mata

"Goodnight apo, mahal na mahal kita"

medjo na weirduhan ako kay lola

hindi ako makatulog ng gabing iyon dahil kung ano anong bagay ang napasok sa isipan ko

madalas akong nag ooverthink gabi gabi pero si lola lang ang nakakapag pakalma saakin

late na nang magising ako hindi ako nagising sa ingay ni lola,

nasanay ako na nagigising si lola ng maaga tapos nag iingay ang mga kagamitan niya sa pag luluto

nag tungo ako sa back door para tignan kung nag didilig na si lola

The Broken TimeWhere stories live. Discover now