₪Chapter Three

58 2 1
                                    

Ж ZUMI'S POV Ж

"Ahh, guys! Punta lang ako sa rooftop. Di nalang siguro ako papasok sa next class ko" paalam ko sa kanila nung naka labas na kami sa VIP

"Bakit Zero? May problema ba?" tanong ni Shin

"May sakit ka ba? Anong next subject mo?" dagdag naman ni Yumi

"Wala naman akong problema tsaka sakit. Salamat sa concern. Boring kasi yung next subject ko tas mga weirdo pa ang mga kaklase ko. Magrerelax lang ako saglit." paliwanag ko sa kanila

"in that case, samahan ka nalang namin Zero! Para malaro na natin ang naudlot na spin the bottle!!" tuwang-tuwa naman na sabi ni Young.

"Sige, kung gusto niyo rin naman na mamarkan na absent sa subject niyo."~ako

"Suss, para isang oras lang at sayo naman tong school, alam naman naming di mo hahayaan yun diba? Diba?!" ngiti-ngiti pang sagot ni Daisuke.

"Oh sya! Sige..di naman ako makakatanggi sa inyo."~ako

"YESSSSSS!!!!" sabay nilang sigaw at sinuntok ang hangin( imagine niyo? HAHA) ...except kay Zatsu

"Eh ikaw ba Zatsu? Sasama ka?" tanong ni Resh sa kanya.

"Game!" tapos ngumiti siya.

"End of the world na ba guys?!" oa na sabi ni Neeka

"Wow!! Simula nung bumalik tayo dito sa Pilipinas, ngayon ka lang ulit ngumiti tol!!! Congrats!!" sabat naman ni Young

"Wag nga ! Hali na nga kayo,bago pa magbago ang isip ko." sagot naman ni Zatsu at nauna na siyang maglakad samin

"Sungit naman nun" ~Resh

Umakyat na kami papuntang rooftop ng Octave Aces.

Sa Rooftop...

"Oyyy guys! Wag nalang tayong maglaro. Mag-usap nalang tayo."~Neeka

"Kanina pa nga kayo nag-uusap eh."~Zatsu

"At least kami,nag-uusap. Eh ikaw? Parang yung libro mo lang ang barkada mo" sabi naman ni Yumi sa tonong nagtatampo.

"HAHA, sorry pala guys! Wala lang sa mood" sagot naman ni Zatsu

"Suss, palagi naman..so anong topic natin?" pag iiba ko ng topic

"Yung mga pinakilala nalang satin kanina!" ~Young

"Wag nalang!" sagot ko naman sa kanila.

"At bakit? Kilala mo sila noh?" ~DJay

"Yeah! Unfortunately, they are my classmates" sagot ko sa tanong ni DJay sabay pout.

"Talaga?!!!! As in? Ano pangalan nung girl?" si Young yan! Parang batang excited na bilhan ng laruan.

"Ulol! Babae man yun sa labas, lalaki parin yun sa loob,,nga pala..Cole pangalan niya!" binatukan ko pa sa Young

"Ehh? Ahhh,basta! Gagawin ko siyang babae!!" ~Young

"So classmate mo nga sila Zero?" tanong naman sakin ni Shin

"Oo nga! Unli?!! Paulit-ulit dapat?" sagot ko naman sa kanya

at tumawa nalang kami sa sagot ko.

"Ui,pero guys..ang cute nung isa dun! Zero, pasyal naman kami minsan sa room niyo para makita yung lalaki kanina" kilig na kilig pang sagot ni Neeka

"Psssshh, landi nito! Mas gwapo naman ako nun! Mukha naman yung bakla" inis na man na sagot ni DJay

"Gwapo ikaw?!!! Hah! Asa ka pa tol!" ~Neeka

∞Mend My Woe∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon