Her Wig
By Irish Paoline JurinarioWhat she lost is what she gained
My leukemia was discovered seven years ago, after I gave birth to my twins when I was 15 at wala pang alam sa mundo. Love drove us mad, ako at ang boyfriend kong si Jelo. At nagbunga iyon.
My mom slapped me, my older sister cried for me, and my father threw me out of our house.
It was all too late. Hindi ako nakahingi ng tawad dahil bago ko pa man masabi ang salitang ‘I’m sorry’ ay sinarado na ng daddy ang pinto ng bahay namin. And as that door closed, ganoon din ang puso niya.
I ended up living together with Jelo and his mom. Ulila kasi siya sa ama. Hindi rin mayaman ang pamilya nila kaya’t todo kayod sa pagiging teacher sa isang public school si tita Sarry.
Kahit nagkagulo-gulo na ang pamilya namin ay hindi pa rin ako pinabayaan ni ate Janny. She secretly gave me money. Sinabi niya rin sakin na nabigla lang si papa kaya niya ako nagawang paalisin sa bahay namin. She persuaded me to go back home, but I refused. Kahit bumalik ako roon ay wala na akong mukhang maihaharap pa sa pamilya ko.
Naghirap nga kami but we got through it all for nine months, and after that I gave birth to our two angels. Two girls: Lucy and Erza.
“Nari?! What’s wrong?! Ano’ng nangyayari?!” Jelo shouted when I coughed up blood. Kakapanganak ko pa lang pero dinala ulit ako sa ospital. When the doctor examined me he confirmed that I have leukemia. Worse is that I may only live for 6-7 years.
Upon hearing that, Jelo ran to my family. He begged them to come for me. At noong magising ako sa ospital, sinalubong ako ng mga luha ng mga magulang at kapatid ko.
“I still have seven years.” I said habang nangingilid ang luha nina mama at papa at kalong ni Jelo ang kambal ko. “We can always make up for that.”
**
“Hi Mama!”
“Hello mama!”
Sinalubong ako nina Erza at Lucy ng masasayang ngiti nang pumasok sila sa kwarto ko. Nakasuot ang dalawa ng malalaking cap. Kagagaling lang nila sa eskwelahan. Nasa likod nila si Jelo na may suot ding cap na kagagaling naman sa trabaho at may dalang kumpol ng mga bulaklak.
“Hey Nari. Kamusta ang pakiramdam mo?” Tanong niya.
Ngumiti ako sa pamilya ko. Anim na taon na ang lumipas simula noon. “I’m beginning to like my new look,” sabi ko at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Naubos na ang buhok ko dahil sa chemotherapy.
“Mama we have a gift!” Wika ni Lucy at ipinakita sa ‘kin ang isang malaking red box.
“Merry christmas mama! Open it. Open it.” Sigaw naman ni Erza at tumalon-talon na. Binuksan ko ang kahon na iyon at halos hindi ko mapigilang mangilid ang mga luha ko sa nakita ko.
Kinuha ni Jelo ang suot niyang cap pati rin ng mga bata.
“W-why did you do this?” Sabi ko at iniangat ang wig na regalo nila sa ‘kin.
“It’s our hair mama! Papa donated his hair but we made a wig out of Erza and my hair!” Erza exclaimed as she giggled.
“Wear it mama! You’ll be really pretty.” Sabi naman ni Lucy.
Hindi ko napigilan ang paghagulgol. Niyakap ko ang kambal ko at niyakap naman kami ni Jelo.
“What now? Are we a family of balds?” Tumawa sila sa sinabi ko.
“I love you,” I said at isa-isa ko silang hinalikan sa noo. “I love you all so much.”
* FIN
BINABASA MO ANG
NARI | ✔
Short StoryThis is a very short story about a girl named Nari. __ Tagalog ▪ English Published 2015