Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of author's imagination or mind. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidential.
******
Masaklap na buhay.
Mapait na nilalakbay.
Ang hirap bumangon ulit, ang hirap mag-simula.
Sanay akong lumalaban, palaging lumalaban pero ngayon? Naduwag na ako.
Naging duwag para sa lahat ng tao.
Sa kaduwagan ko pati yung taong kinakapitan ko, nilayuan ko.
Natakot akong lalo siyang madamay sa nangyayari sa akin. Natakot akong mapasama pa siya lalo dahil ako yung partner niya.
"Maye? Anong problema mahal? Kung handa kang sabihin, makikinig ako. Partner mo ako, diba?"
Punong-puno na ako ngayon. Kapag ako'y sumabog, madadaig ko pa siguro ang Mayon, Taal at Pinatubo.
Wala nang muling magtatanong.
Wala nang muling kakamusta.
Wala na ang lahat.
"Oy Maye, ayos ka lang?"
"Oo naman, bakit naman hindi?" Isang malaking kasinungalingan.
"Kung may problema ka, huwag kang mahihiyang magsabi ha?"
Pero hindi ka naman siya, paanong sayo ako magsasabi?
Iyan ang gusto kong isagot ngunit hindi yata iyon ang dapat.
"Sige lang, magsasabi naman ako," pagsisinungaling ko muli.
Nasa trabaho ako ngayon sa kompanya. Ang pag-aaral ko bilang F.A ay napunta sa pagiging janitress. Hindi naman ako malungkot dito, pero nanghihinayang lang.
Habang naglilinis dito sa ground floor ay bigla nalang akong nabangga. Tao yata ang nabangga ko. Jusko wag sana si Boss. Lumingon ako upang makita kung sino ito.
"I-ikaw? Kamusta?" Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko.
"Ah, I'm fine," malamig na sabi niya.
"Pasensya na nabangga kita," sabi ko.
"Marunong ka pala humingi ng pasensya, but don't worry it's fine," sabi niya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko.
"Oo, matagal na. Magmula nung nawala ka," sabi niya.
"I'm s-sorry," naluluhang sabi ko.
"It's fine, matagal naman na kitang kinalimutan," sabi niya at saka ako iniwan sa pwesto ko.
_____________________________________________
Thank you for supporting my story!
~Always, love and live
YOU ARE READING
When A Star Had Fallen
RomanceAmelia Elhana Grace, a joyful person who never give up. Always fighter on every battle in life, but she's afraid to be exhausted. What will gonna happen if one day the star had fallen?