Javier High

25 2 0
                                    


Hi this is Yang, so I wanted to say na this is just a short story of mine. Asahan niyong magiging kaunti lang ang chapters nito dahil short story nga.


Handa na ba kayong matuklasan ang isang mabuhok na kamay?

Javier High


Sa isang malayong lugar, matatagpuan ang isang maingay na paaralan, kung saan ang pagpasok dito ay tila paglaya mula sa pagkakakulong. Nagkakasiksikan ang mga mag-aaral sa loob mula sa pag-pasok, at ang ingay ng kanilang mga boses ay hindi na matigilan pa, lalo na ang kabastusang pagtatapon nila ng papel o ng kahit anong gamit sa isa't isa, na para bang ang kanilang kaalaman ay hindi wastong itinuro.


Makikita rin ang iba't ibang grupo ng mga mag-aaral na may kanya-kanyang pamumuhay.  Ang iba'y nais sumabay sa mga uso gamit ang kanilang mga branded na gamit, habang ang iba naman ay nais lamang mag-aral sa Javier High. 


Ang una sa mga grupo ay binubuo ng mga kabataang misteryoso sa kanilang paggamit ng kulay itim sa kanilang pananamit at kagamitan. Sila'y masugid sa paggamit ng kulay itim bagaman puti ang kanilang uniporme sa paaralan, ito lamang ang naiiba sa kanilang karaniwang kulay.


Ang mga ito ay mapagkunwaring tahimik at walang pakialam sa paligid, madalas mapag-usapan ng mga estudyante at katakutan. Ang iba ay naniniwala na mga baliw sila dahil sa paniniwala nila sa mga espiritu.


Kasalukuyang sumisipsip ng lollipop habang naka-upo sa may silya ang kanilang Leader.


Lhirvan Tan


Matalas ito tumingin at ang pinaka masungit sa lahat hindi katulad ng naka-upo sa kaharap niyang silya na si Cyrelle Mejos.


Mahilig itong makipaglaro at makipagkulitan. Kasalukuyang nakikipagasaran ito sa kaibigan niya na lalaki.


Eric Vasquez


Ang isa pang makulit sa grupo. Kilala ito bilang tagapag-tanggol kay Cyrelle na laging nasasabak sa gulo.


Nakatayo naman sa likuran ni Lhirvan si Tzed Loreno. Ang pinaka may mahabang pasensya ngunit delikado rin kung malapitan.


"Pwede ba tumahimik kayo?" nakakatakot na saad ni Lhirvan.


Nakatingin siya kay Cyrelle at Eric na kanina pa nag hahampasan. Napatigil ang dalawa sa kulitan na kanilang ginagawa at iniisip ni Cyrelle sa utak niya na ibitin patiwarik si Lhirvan sa may gitna ng school kung saan naroroon ang statwa ng principal nila.


Tumawa si Tzed at umupo sa katabing silya. May mesa rin sa gitna nila. Sumimangot si Cyrelle dahil sa saway ni Lhirvan at tumahimik sila ni Eric at uminom ng juice na kanina pa nasa gilid ng mesa.


Sa kabilang mesa ay makikita ang mga estudyante na abala sa pag-aaral. Mas kapansin-pansin ang nasa pinaka gitna na pilit ipinapaliwanag ang isang bagay sa kanyang mga kagrupo. Kaunti nalang ay sasabog na ito sa galit.

La Mano PeludaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon