"La Mano Peluda" is a legendary tale from Latin America, particularly Mexico and Colombia, about a hairy hand believed to belong to a man seeking revenge from beyond the grave. The story is used as a scare tactic, especially among children, to ensure good behavior.
"Bakit hindi ko makita si Zane!" nagngangalit si Arina, habang nakatayo siya at nakasilip sa bintana ng clinic, pilit niyang inaabot ang mataas na bintana kahit alam niyang hindi niya ito maabot dahil sa kanyang liit.
"Nakaka-inis naman! Bakit kasi napaka-taas ng binta- Whoa!" biglang sambit ni Arina nang mapansin ang grupo nila Lhirvan na biglang lumitaw sa tabi.
Nagulat si Arina sa biglaang pagdaan ng grupo ni Lhirvan, kaya't isiniksik niya ang sarili sa tabi, upang makadaan ang apat. Isang malaking takot ang naramdaman ni Arina sa apat na tinawag niyang "weirdos."
Dumaan si Lhirvan, walang pakialam sa pag-aabala, at si Cyrelle ay nang-asar pa, sinabing susuntukin niya si Arina, kaya't agad na dinakma ni Eric ang mukha nitong si Cyrelle para mas inisin ito.
"Weirdos!" sigaw ni Arina sa kanilang grupo, habang pinipilit na pigilan ang takot sa kanyang puso.
Tuloy-tuloy lang ang kanilang paglalakad kahit na narinig nila ang sinabi ni Arina tungkol sa kanila.
"Die hard fan 'yon ni Zane 'di ba?" tanong ni Cy.
Hindi na mapigilan ni Cyrelle ang inis niya sa babaeng 'yon. Paharang-harang ba naman sa eskinita at siya pa ang galit dahil may dadaan.
"It's obvious," sagot ni Tzed.
"Gagi narinig niyo ba sabi niya weirdos tayo?" sabi ni Eric, na tila nababahala.
"Narinig ko! Eh siya nga 'tong sunod nang sunod kay Zane eh, mas mukha siyang weird! Tsaka nakita mo 'yung ponytail niya side by side?" sabat ni Cyrelle, na puno ng pang-uuyam.
"Nakita ko," tugon ni Eric, na tila hindi rin mapigilang magpahayag ng opinyon. "Hayaan mo na, tingnan mo rin kaya tayo, puro itim hahaha!"
Napatingin si Lhirvan kay Eric sa kadahilanan na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Ang hindi pag-respeto sa sinimulan niyang grupo ay kinaiinisan niya nang sobra.
"Parang bata! Hindi niya kinaganda," sabi ni Cyrelle, tila hindi mapigilang magpahayag ng kanyang kritisismo.
"Tumahimik ka na Cyrelle," sabi ni Lhirvan at tumahimik naman ito.
"Tuloy ba mamaya?" tanong ni Tzed, nag-aalala sa kanilang plano.
"Oo, kailangan natin magpaiwan sa loob ng school para tawagin ang masasamang elemento dito..." pahayag ni Lhirvan, determinado siya sa kanilang layunin. Alam niya na ang paaralan ay maraming masasamang elemento kung kaya't nais niya itong makita at makausap.
"Wait ano? For real?! Akala ko ba joke time lang tayo dito?" tanong ni Eric, tila hindi makapaniwala sa kanilang plano.
![](https://img.wattpad.com/cover/284354000-288-k274110.jpg)
BINABASA MO ANG
La Mano Peluda
HorrorNakulong ang iilang estudyante sa loob ng Javier High. Puspusan nilang pinipilit na makatakas mula sa nakakatakot na presensya na humahabol sa kanila. Ang mga dating magkaibigan ay naging mag kalaban, sumisigaw at nagbabaka-sakaling makahanap ng sol...