"DOUBLE TIME!!" Sigaw ni direk.Halos mapatalon ako ng sumigaw siya, mas nahirapan ako i-focus ang camera.
Tagaktak na ang pawis ngunit patuloy pa rin sa pagiging kalmado, I can't fuck this up.
"Putangina naman, sino yung babae sa likod? Yun oh, yung maputi," halatang inis na sabi ni direk.
Kinabahan ako para kay Solana dahil sa kaniya naka-turo ang direktor.
"Ah direk, siya po si Lana , bago lang yan pag-bigyan mo na," sagot ng isang crew.
"Tangina kanina pa yan naninira ng shot eh. Ineng, kung magtatanga-tangahan ka lang dito mas magandang umuwi ka nalang," malditang sinabi ng baklang direktor.
High School pa lang kaibigan ko na si Solana. Bata pa lang kita agad na iba ang lebel ng kagandahan niya. Kaya ngayong mag-kokolehiyo na kami. Hindi na ako mag-tataka na pasukin niya ang ganitong industriya kagaya ng kuya niya.
Bakas sa mukha ni Sol ang pagkapahiya. Agad ko siyang sinenyasan kung kaya niya pa ba. Bago pa siya maka-sagot ay biglang may crew na nag-abot na ng mga gamit niya.
"DOUBLE TIME MGA PUTANGINA!!" sigaw muli ng direktor.
Habang binibitbit ni Sol ang kaniyang mga gamit, unti-unti ko na ring kinakalas ang aking tri-pod. Nakita ko ang pag-lingon ng iba naming mga kasamahan sa aking pagligpit.
"Oh anong eksena yan?" stressed na tanong sa akin ng direktor.
Tiningala ko siya at sinagot. "Ano pa ba? Edi aalis na, obvious ba?" Balagbag kong tanong.
"Hindi pwede, wala kaming extrang photographer," halatang galit na pag-rarason ng direktor.
Tuloy pa rin ako sa pagliligpit.
"Tanginang kaartehan yan, bago-bago pa lang kayo dito ang aarte niyo na. Hoy babae, bumalik ka sa set," utos ng direktor kay Solana.
Hindi ko maiwasang, hindi mapangiti. Sobrang kailangan ko ng pera, pero hindi ko na naisip ang TF ko madali lang naman kumuha ng panibagong shoot. Higit pa roon pang-apat na shooting ko na ito sa loob ng 24-hours. Hindi ko lang nagustuhan ang pakikitungo niya sa kaibigan ko.
Natapos ang shooting ilang oras ang nakalipas. Kaya nag-sabay na kami ni Solana pauwi.
"Salem, gagu ka," bigkas ni Sol.
"Oh, baket?" nagtatakang tanong ko.
"Alam kong kailangan mo ng pera, pero nilagay mo sa bingit yung sweldo mo para lang makasama ako sa shoot," sabi niya.
"So what?" bardagulang sagot ko.
"Tangina Lem, anong trip yon ha?" sabi niya.
Habang naglalakad patungong sakayan, hindi ko maiwasang hindi pansinin ang mga kalalakihang lumilingon at sinusundan kami ng tingin. Napapansin rin kaya niya? Hindi siguro, baka sanay na siya sa ganito.
"Ano bang pake mo, yun yung trip ko wala ka magagawa," sinabi ko nalang para manahimik na.
"Bakit kasi hindi ka nalang sa amin tumira? Para hindi mo na iisipin kung san ka kukuha ng pang-renta," alok niya.
Matagal-tagal na rin niya akong inaaya na tumira sa kanila, kaso nga lang matagal ko na rin siyang tinatanggihan. Siguro dulot ng kahihiyan, ayaw ko rin kasi ng feeling na naka-depende sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
Happily Gathering Photographs
Teen FictionSalem Villar is an independent girl, who learned how to fend for herself for such a young age. Being independent is a must, due to her lack of parental guidance. She was passed down by relatives to relatives, until she learned how to support hersel...