CHAPTER NINE

230 10 0
                                    

"Apo gising"

"Apo gising na"

"Apo ko gising na tanghaling tapat na oh" minulat ko ang mga mata ko at natagpuan ko ang aking lolo na nakangiting nakatingin sakin

"Lolo?" manghang sabi ko

"Lolo bat mo ko iniwan?" Umiiyak na tanong ko sa lolo ko

"Siguro oras ko na apo, alagaan mo ang lola mo at ang mga apo ko ha?Mahal na mahal na mahal ko kayo" bilin ng lolo ko sakin, tumango naman ako bilang tugon dito, hinalikan niya ang noo ko bago niya ako yakapin

"Lolo wag mo na po ako iwan, balik kana po sakin please" ngumiti lang ang lolo ko,Niyakap ko siya pabalik at nawalang parang bula

"Apoo gising nanaginip ka atah" yugyog sakin ng kung sino, kaya iminulat ko ang mga mata ko

si lola lang pala,

"Mommy gising po, mommy why are you crying?" tanong sakin ni Dale

"Apo, bat ka umiiyak?" tanong ng lola ko

"Lola nakausap ko si lolo sa panaginip ko" hagulgol ko, niyakap naman ako ni lola sabay hagod ng likod ko

"Lola, bat si lolo pa" hagulgol ko

"Pwede naman ako eh" niyakap ako ni lola

"Pinatay nila ung lolo ko para lang sa titulo" patuloy na hagulgol ko

"Handa ko namang ibigay eh, bat pinatay pa nila ung lolo ko"

"Bat pa kase tayo nagkaganito"

"Lolo ko pa ung kinuha, pwede naman ako nalang"

"kasalanan ko to eh"

"Tahan na apo, d masisiyahan ung lolo kung ganiyan sinasabi mo" Pag papatahan ng lola ko, pero dko kaya eh

Simula nung bata ako, siya na ung nag alaga sakin bago ako napunta sa ibang bansa, sobrang lapit namin sa isat isa, siya ung lolo ko na kaya niya sabayan mga kabaliwan ko, siya din ung nanenermon sakin kung alam niyang may nagawa akong mali, siya ung natatakbuhan ko pag may problema ako, Sobrang sakt mawalan ng lolo, sobra sobra, mas masakit mawalan ng pinakamamahal sa buhay kaysa mawalan ng titulo.

ISANG ARAW NA ANG NAKALIPAS

Nandito ako ngayon naka tayo, papasok kami sa Wake ng lolo ko, di ko pa kayang makita ung lolo ko na nakahiga sa kabaong,

"Lola i can't" Sabi ko sa lola ko

"You can do it apo ko" sabi niya saka hinawakan ang kamay ko at naglakad patungo sa loob kung san gaganapin ung Wake ng lolo ko.

Nanginginig ang katawan ki habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng katawan na wala nang buhay ng lolo ko.

"l-lo?"

"ang gwapo mo po lo, pero mas gwapo ka kung nandito ka ngayon sa tabi ko, lo Bangon na jan lo," habang rumaragasa na ang mga luha ko sa aking mga pisngi

"Lo,Bat iniwan niyo naman po ako kaagad" saad ko habang umiiyak at hinahaplos ang mukha ng lolo ko

"Lo diba tuturuan mo pa mga apo mo kung pano nila protektahan ung sarili nila at ang pamilya natin?"

"Lo, bangon kana oh, kaarawan ng mga apo mo at ang petsa din ng pagkawala mo" habang kinakausap ko ang malamig na katawan ng lolo ko,

Hiding the Mafia King's Triplets (Under-Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon