CHAPTER 08

46 3 0
                                    

"Oo pupunta na ako."

Kausap ko ngayon si Delaya sa cellphone habang nagmamadali na naglalakad papunta sa carpark kung nasaan sya.

Damn hindi naman dapat ako nagmamadali ng ganito!

Inaya nya kase kami sa isang birthday party, pamangkin nya daw yon at 1st birthday kaya inimbitahan kami, ang kaso nga lang sa Quezon ang venue.

"Bullshit." Agad akong napamura dahil may nabangga ako, shit.

Ilang beses nagsorry yung babae sa harap ko habang nag papanic, hindi naman masyadong big deal saakin!

"It's fine ayos lang." I informed her pero mukhang hindi sya kumbinsido.

"You sure?" She innocently asked me.

"Oo, aalis na ako." Hindi ko na sya hinintay na sumagot dahil nag riring na ang phone ko! Bakit ba kase hindi makapag hintay sila Delaya! Para ko tuloy tinarayan yung babae!

"Gago ka Angeline! Ang tagal mo kapag wala ng pagkain na maabutan don ah! Ikaw kakainin ko." Reklamo ni Charmaine saakin.

"Scary," pang aasar ko bago pumasok sa loob ng kotse, yung kotse ni Charmaine ang gamit namin ngayon at sya ang magdridrive.

Nasa back seat kaming dalawa ni Kiara habang nasa passenger seat si Delaya, nag rereview pa sya!

"Aba Delaya feeling smart?" Asar ni Kiara ng mapansing nag rereview nga ito.

"Sorry dean's lister, di mo kaya yon." Agad syang minura ni Kiara kaya malakas nya iyong tinawanan.

Hindi ko na lang pinansin ang pag-aasaran nila dahil kinuha ko ang earpods ko at isinalpak yon sa tenga ko at pumikit, buong byahe lang akong naka pikit habang nag sosoundtrip pero ang iingay talaga ng tatlo kaya hindi ako maka idlip!

I just woke up when i heard some noises kaya agad akong nag mulat ng mata at napansing naka hinto kami, nandito na ata kami.

Pag bangon ko ay sumilip ako sa bintana at nakita ang papalapit na si Kiara sa kotse.

Agad syang lumapit sa gawi ko at binuksan ang pinto.

"Nandito na pala tayo, gaga bakit di nyo ako ginising?" Bungad ko sakanya pag bukas nya sa pinto.

"Kararating lang natin, kanina ka pa namin ginigising hindi ka naman gumising, sumunod ka na lang! Andaming pagkain." Tinanguan ko na lang sya, nauna na din syang naglakad habang ako ay naiwan ang kinuha ang bag ko.

Nag retouch lang ako ng liptint at pulbo, sinuklay ko na din ang medyo magulong buhok ko bago lumabas.

Agad naman akong napangiwi dahil sa dami ng tao doon, may mga decorations pa na nakakabit at may mga nagiinuman pa habang nag vivideoke.

Sana pala ay sumabay na lang ako kay Kiara kanina kaysa naman ngayon na medyo nakakailang!

Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili ko na dinaanan ang mga tao doon at walanghiyang pumasok sa loob ng bahay, i felt relief when i saw my friends in the sala.

"Angeline! Buti naman at gumising ka na!" Salubong saakin ni Delaya.

May babae silang kausap na sa tansya ko ay nasa late fortys, probably Delaya's aunt.

"Hello po." Bati ko sa babae bago ako hinila ni Delaya na umupo sa isang wooden chair na halatang bago pa dahil sa kulay.

"Kumain lang kayo ng kumain dyan ha! Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita sa labas." Tinanguan namin sya kaya umalis na sya, naiwan naman kaming apat dito.

May pagkain naman sa coffee table dito sa sala kaya hindi ko na kailangang lumabas para kumuha ng handa.

Kumain lang ako habang nag uusap ang tatlo, hindi ko na lang sila pinapansin dahil lumilipad nanaman ang isip ko kay Rey, is he with Sherra? Kung oo nagseselos ako.

I sighed heavily bago ilapag ang plato at kinuha ang baso na may lamang juice at ininom yon, it's 7:00 pm now.

"Naiihi ako," paalam ko kay Delaya na busy sa pakikipag kwentuhan.

"Ano?" Tanong nya ulit saakin.

I rolled my eyes, "Na iihi ako," ulit ko tapos tumango sya.

"Tita! Samahan nyo nga po si Angeline sa cr." Sigaw ni Delaya sa babae kanina.

Agad ko syang sinamaan ng tingin dahil sa ginawa nya, damn sa iba pa tuloy ako napasama!

Agad akong tumayo bago sumunod sa tita ni Delaya.

"Napaka ganda mo namang bata hija." She was looking at me habang nag lalakad kami papunta sa cr.

I smiled, "Thank you po." I humbly said.

Why the hell a lot of people say I'm pretty? Nag mata ako sa ina ko oo kaya mukhang mataray ang features ko, yung mata ko kase ay medyo singkit at mataray tignan ganon din ang kilay ko na nagpataray sa akin! Plump ang labi ko at matangos ang ilong, aaminin kong hindi ako masyadong maputi dahil morena ako.

Naka rating din naman agad kami sa banyo nila na nasa dirty kitchen, nag paalam na din agad sya na aalis na kaya naiwan ako. Pagkatapos kong umihi i applied some alcohol to my hands bago lumabas.

While putting alcohol to my hands i suddenly bumped into someone chest, i tilted my head para sana samaan yung bumunggo saakin ng tingin pero imbes na mainis ay sabay kaming nagulat ng makita ang isa't isa.

Anong ginagawa ni Rey dito!??

"Rey?" Takang tanong ko, the shocked in his eyes slowly faded and it was immediately replaced by a smile.

"Hi," bati nya saakin, he even got time to wave his hand!

"Anong ginagawa mo dito!?"  Takang tanong ko, agad naman syang napa kamot sa batok nya dahil sa tanong ko.

"Your friends invited me to come." Agad kong minura ang mga kaibigan ko sa isip ko dahil sa sinabi ni Rey. Puta!

"Sumunod ka saakin." Agad ko syang hinila sa kamay tapos dinala sa sala, agad ko naman nakita ang tatlong nag tatawanan lang doon na parang walang ginawa.

"Kiara, Charmaine, Delaya." Mabilis silang nag baling ng tingin saakin with a confused look pero agad yon nawala dahil nakita nila si Rey sa likod ko, at ang mga gaga sabay sabay pang nag apir!

"Surprised!" Masaya nilang saad pero masama lang ang tingin ko sakanila.

"Tanginanyo anong surprised! Bakit inimbitahan nyo to?" Binato ko sila ng throw pillow pero agad silang nag iwas.

"Hey Angeline chill, ako ang pumayag i just wanted to see you. Ako na din yung mag hahatid sayo pauwi." Rey suggested.

Forgotten Moment (Betrayal series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon