I have always been that type of person who expects so much from people, wanting to reach the standard of the character I have created in my mind. That desire of wanting to reach the standards of the leading mans from movies I have watched and the prince charming's in books that I have read over and over again. Like Jack Dawson and his sacrificing act. That he would rather exchange position with Rose just to make sure that she will be the one that will be saved at the end. Or Leo and his unconditional love for Paige. Halos bumitaw na sya sa pag asang babalik ng tuluyan sa kanya si Paige. Yung pag asa na maalala pa sya at kahit na hanggang sa huli ay hindi na nya sya maalala, tinanggap nya parin at minahal ng lubos si Paige kahit na walang kapaniguraduhan. Yung mga ganitong bagay ang tumataas ng ekspektasyon ko sa mga tao na nakakasalamuha ko.
Ilang dosenang box din ng tissue ang naitapon ko para sa mga mag syotang ito. Ilang linggo ring halos muka akong galing sa burol gawa ng mga pugto kong mata. Sino ba kasi ang gagawa ng mga ganyang bahay sa panahon ngayon? May lalaki pa bang ganyan? Mabibilang nalang siguro. Swerte ka na pag nakahanap ka. Yung lalaking hindi kumakagat ng labi habang nag papa-cute sa camera. O di kaya yung lalaking hindi panay hawi ng buhok na mag kulang kulang nalang ay magmukang hinimod ng kalabaw sa sobrang vain sa buhok nito. At maswerte ka kapag nakahanap ka na ng lalaki stick to one. Yung mga lalaking hindi humahanap ng 'kaibigan' kuno habang kayo na di mo alam kalandian na nya sa likuran mo. At syempre yung lalaking di ka sasaktan at mamahalin ka ng sobra sobra.
Ano?
May nahanap ka na? Aba'y at kaswerte mo naman.
Kase ako? Putangina nalang. Respeto naman oh.
Nagsigawan ang mga babaeng katabi ko at halos dumugo na ang tenga ko sa sobrang lakas nito. Halos lahat ng mga tao sa stadium ay nag sisitalunan at sumisigaw sa tuwa habang nakatutok sa sampung players na nasa court ngayon.
"Adams! Adams! Adams!" sigaw ng mga halos babae at tinignan ko naman ang pigura ng lalaking sinisigaw nila. Dinidribble nito ang bola habang malapit sa three point line. May 10 seconds nalang natitira na oras at nabibingi parin ako sa ingay ng mga tao sa loob.
Pinasa nya ito sa isa nyang team mate at binalik naman ito kaagad sa kanya. Nag fake syang papasok para lumay-up ngunit umatras sya sa three point line at mabilis na binitawan ang bola.
Narinig ko pa ang pag sigaw ng mga tao ng 'Shoot' na may halong 'Wala'. Sa pag baba ng bola halos di ko na narinig ang buzz na humuhudyat ng katapusan na ng laro dahil halos lahat ay sumisigaw sa tuwa.
Panalo na naman ang school nila Kuya. Hingal na hingal itong lumapit sa bench nila. At oo kuya ko yung apelyido na sinisigaw nila. Wala man akong ka ide-ideya kung bakit sila baliw na baliw dyan. Okay. I admit may itsura sya kase pano ko masasabi na maganda ako. Except. Mas maganda ang lahi ko sa kanya. Syempre mas dugyot sya, gurang kase.
Bumaba ako ng stand at lumapit sa mga team nila. Nginitian ko ang mga ito kahit ni hindi ko mga alam ang mga pangalan nila.
"Kuya. Una na ko. Baluga mo paring mag laro. May pa buzzer beater pang nalalaman. Dugyot parin naman." I teased him.
Sinimangutan nya lang ako at binigay sakin ang susi ng sasakyan.
"Swerte ka ngayon. Panalo kami at pagod ako." Ginulo nya buhok ko.
"Uwi ka na. Drive safely at wag kang mag papasok ng kahit sinong papara." Seryoso nyang sabi.
Tumango ako sa kanya.
Meron kase nuong pumara sakin at dumaing na masakit daw ang tyan. Sa sobrang matulungin ko sinakay ko sya tapos edi akala ko kelangan ko na sya dalhin sa ospital pero naholdap ako. Kaya ayun sobrang takot ko kaya pati yung kotse ko dinala nya. Halos ilang oras din ako nag lakad bago nakarating sa isang bahay at buti nalang ay uso sa kanila ang technology. Kundi nako! Lagot talaga ako nun.
BINABASA MO ANG
Kismet
Romance"And I'd choose you; in a hundred lifetimes, in a hundred worlds, in any version of reality, I'd find you and I'd choose you."