C H A P T E R 2 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Hoy ate!"
Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang sigaw na iyon galing sa kapatid niya. Waa sa sariling napalingon siya dito.
"Why?"
Nasampal na lang nila nang sabay ng kapatid niya ang sarili nilang mga noo.
"Seriously? Kanina pa kami nagkwe-kwento dito tapos wala ka man lamg ni isang naintindihan doon?" inis na sabi ni Rian at pinag-krus ang mga braso.
Napangiwi na lang ang dalaga saka napakamot sa kilay. "Sorry."
"Sino ba kasi iniisip mo ate? Kanina ka pa tulala noong nag-aayos tayo dito hanggang ngayon," nakangusong sabi ni Lea at humiga sa hita niya.
Napagdesisyunan nila ngayong araw ay wala silang ibang gagawin kung hindi i appreciate ang ganda nang Garden nila. Naglatag sila nang malaking tela sa gitna nang mga halaman at doon sila umupo at kumain.
Hapon na kaya hindi na masyadong mainit. At day off din nang mga tauhan at ang yaya Tina nila ngayon kaya wala nang iba pang tao kung hindi silang tatlo na lamang.
"W-Wala. Sadyang maganda lang talaga ang buong lugar kaya hind-"
"Don't lie to us ate. We know you very much," Rian said while widely grinning.
Napanguso na lang ang dalaga at tinitigan ang magandang kapaligiran. Napapagiliran sila ngayon nang mga halaman.
Sa katunayan ay ngayon lang sila nakalibot sa buong Garden na nakapalibot sa mansyon nila. Dahil hindi sila pwedeng umapak dito habang walang permeso nang dad niya. Kung malaki ang mansyon nila ay 'di hamak na mas malaki ang Garden na nakapalibot sa mansyon.
See, sobrang ingat na ingat ang dad nila sa business niya pero pagdating sa mga anak niya, para niya itong trinatratong basura. Maling salita ang 'parang' dahil talagang tintrato niya sila na parang basura at walang kwenta sa buhay.
"Say to us na lang kasi ate. Malalaman din namin 'yan," nakangising sabi ni Lea habang nakatingla sakaniya.
Mas lalong humaba ang nguso ni Santa at hinayaan ang sarili na maging kuba. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang totoong kanina pa gumugulo sa isip niya o itago niya na lang muna.
Tinitigan niya ang dalawang kapatid na may mga ngisi sa mga labi nila. Para nilang sinasabi sakaniya na sabihin na lang sakanila dahil kapag hindi niya sinabi ay sila mismo ang kikilos upang malalaman iyon.
Malakas na napabuntong-hininga siya saka tumingala sa kulay kahel at dilaw na ulap. Naghahalo ang dalawang kulay kaya mas lalong gumanda sa paningin niya. Kitang-kita nilang tatlo paglubog nang araw.
"Don't tell this to anyone, okay?"
Agad napa-upo si Lea habang si Rian ay napa-ayos nang upo. Sabay silang nagkatinginan at tumango.
Humugot siya nang malalim na hangin mula sa dibdib niya saka pinagsiklop ang sariling kamay.
"Do you still rememeber kuya Milo-"
"Of course!" maagap na sabi nang dalawa kaya hindi maiwasan nang dalaga na mapatawa nang mahina.
Hindi ganito ang reaction na inaasahan nang dalaga mula sakanila.
"Siguradong siya 'yung kanina mo pa iniisip 'no!?" mapang-asar na sabi Lea.
"Now I'm confused what he did do to you or what he says to you to make ate's stunned at the absence," natatawang sabi ni Rian saka nakioag-apir kay Lea.
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...