C H A P T E R 1 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Unti-unting dumilat ang dalaga ng maramdaman ang init na tumama sa mukha niya. Inadjust niya muna ang paningin niya bago dumilat muli.
Napangiwi siya ng mapagtantong nakatulog na naman siya ng ganu'ng pwesto, nakasandal sa likod ng pintuan habang naka-upo sa sahig.
Akmang tatayo na siya ng napansin niya na nasa lapag ang phone niya.
"What are you doing there?" tanong niya dito na para bang sasagot ang phone niya.
Napailing na lang siya sa sarili at agad kinuha ang phone niya at binuksan. Mas lalong lumalim ang gatla ng noo niya ng makitamg may bagong mensahe galing kay unknown number. Agad niya namang binuksan iyon.
Unknown number: Hey!!
Unknown number: Are you okay!?
Unknown number: Hoy sumagot ka!?
Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito kaya nag back read siya.
Chrysanta: Bakit siya ganun!?
Chrysanta: Bakit kailangan niya ko pahirapan?
Chrysanta: Anak niya ba talaga ako?
Chrysanta: I want to end my life, but I can't. Paano na lang yung mga kapatid ko? Hindi ko sila pwedeng iwanan.
Chrysanta: I want to rest but, how?
Unti-unting umuwang ang labi niya dahil sa nabasa. Bakit niya sinabi sakaniya!? Mabuti na lang at hindi niya kwinento ang totoong nangyari dahil dapat walang makaalam 'nun!
Malakas na bumuntong hininga ang dalaga saka umayos ng upo bago magtipa.
Chrysanta: I'm okay, don't worry.
Tuluyan na siyang tumayo at naniningkit matang tumingin sa wall clock niya. Halos lumuwa na ang eyeballs niya ng makitang malapit na ang klase nila.
"Shit!"
Mabilis pa sa alas-kwatro siyang kumilos ng mabilis. Halos hindi na siya nakapag shampoo ng maayos dahil sa pagmamadali.
Hindi niya na alam kung ano ang sinuot niya basta ang una niyang nakitang damit ay hinablot niya kaagad.
"Hey, slow down," sabi ng isang pamilyar na boses dahilan para mapatigil si Santa sa kalagitnaan ng pagtakbo niya sa hagdan nila.
Namilog ang mga mata niya at kumurap-kurap. "K-Kuya H-Happy?"
Seryosong tumango lang ito at nilahad sakaniya ang kamay nito. Hindi makapaniwalang tumitig lamang doon si Santa. Bakit niya ginagawa ito? Anong dahilan!?
"Nangangalay na ko," nababagot na sabi nito. Wala ng nagawa ang dalaga kung hindi tanggapin na lamang iyon at magpaalalay dito.
Nakatitig lamang siya sa seryosong mukha nito habang inaalalayan siya. Hindi niya ba alam kung bakit pinangalan sakaniya 'Happy' hindi naman niya nakikita itong nagiging masaya, habang si 'Saddy' ay laging nakangiti.
Napagbaliktad siguro ng mga magulang nila ang pangalan nila.
"Don't stare at me like I will do something bad to you," maawtoridad na sabi niya kaya agad siyang nag-taas ng tingin.
"W-Why a-are y-you here?" Hindi niya maiwasang kabahan dahil baka papuntahin na naman siya ng dad niya sa office niya.
Gusto pa man niya makita si Milo muli. Gusto niya ulit makita ang ngiti at mga mata- Wait, no erase!

BINABASA MO ANG
Garden Of Hope
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...