Blythe Ayla Ortega
Jupiter Aki :
Eve?
Eve?
Nandyan ka ba? Gising ka pa?
Mag-usap naman tayo. Kausapin mo na ulit ako. Please?
Galit ka pa rin siguro ano? But you now what, kahit mahigit isang linggo kitang hindi nakausap. Ikaw palagi nasa isip ko, ikaw palagi inaalala ko.
Eve, mahal kita. Mahal na mahal kita ng sobra. And sa totoo lang matagal na itong nararamdaman ko para sa'yo. Hindi ko lang inaamin kahit kanino, kasi ikaw ang gusto kong unang makaalam ng nararamdaman ko.
Ang weird pero bakit ako magkakalakas ng loob na sabihin sa iba ang nararamdaman ko, tapos sa'yo hindi?.
Remember the day that you confessed to me?. Sobrang sama ng araw ko na 'yon. Sobrang dami kong problema na ang hirap-hirap ng pagsabayin. Umabot sa point na hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Ang gulo-gulo ng lahat. May problema si Ariel, aalis si Dwight, at kahit kaming dalawa ni Zelle hindi na rin alam kung ano bang dapat gawin. Siguro dahil alam ko ring mahihirapan ako, na ako lang kaya kailangan ko talaga sila. Nakaplano na lahat-lahat.
Marami kaming pinangarap nila Zelle, at pinangako rin namin ng sabay-sabay sa isa't isa na bubuuin namin 'yon. Walang maiiwan, walang mangiiwan pero naging bali wala ang lahat. Nag back to zero ako, Eve. Kami.
'Yong araw na lumapit ka sa akin, at kinalabit ako sa balikat ko kausap ko si Dwight n'yon. Nagmakaawa ako sa kanya na wag mo na siyang aalis, pero ayaw niya akong pakinggan. Pagod na ako no'n Eve. Pagod na pagod na, sobrang nagdidilim na rin ang paningin ko sa sobrang galit kahit saang bagay.
Umamin ka sa akin about sa feelings mo, may dala ka ring favorite mong strawberry milk tea para sa akin, pero nasigawan lang kita no'n. Sinabihan ng masasakit na salita. Na realize ko lang na magkamali pala ako sa ginawa ko sa'yo nang tumatakbo ka na palayo at bigla akong sinapak, tinadyakan ng mga kaibigan mo. Mabilis kang nawala kaya hindi na rin kita nahabol ng araw na 'yon. Hindi ko na rin nasabi pang gusto rin kita.
Ngayon hindi na rin ako papayag na hindi ko pa rin masasabi sa'yo na mahal kita.
I love you, Eve.
Blythe Ayla :
Wrong send ka Aki.
I'm not Eve.
BINABASA MO ANG
Strawberry Milk Tea (CEO Series #1)
RomanceHe's smart, that's why starting a new business is easy for Aki. And as a manager and business owner too, he can manage everything. Napapatakbo niya ito ng maayos, napapaikot ng tama. Napapalago niya ang lahat, at mas napapalago pa. It seems like eve...
