EZEKEIL'S POV.
"Thadeus, why so early?", pasinghal na tanong ko ng sagutin ko ang tawag.
Damn it! Walang pasok ngayon pero nang-gising ang loko!
"Hahanap tayo chicks, dre", isa siya sa tatlo kong kaibigan. Siya ang pinakamadaldal saaming apat.
"I'm not in the mood, thadeus", irita kong sagot.
"Hindi mo 'ko maloloko, loko. Basta chicks, nangangati yang kamay mo", natatawang asar niya.
(>>>_<<<)
"Tch", singhal ko sa kaniya. "Seryoso nga kasi, Thadeus Kenneth Saavedra"
"Hahahahaha!"
"Mamatay ka na sana!"
"Mauuna ka, tarantado"
"Tumawag ka lang ba para mang-asar?", naiinis na tanong ko. "I'm still sleepy for heaven's sake, Thadeus"
"Eto na, bibili tayo ng susuotin natin bukas.", sa tono niya batid kong nakangisi siya ngayon.
Tch!
"Anong meron bukas?"
"Baka acquiantance party bukas?", parang nagtataka pang tanong niya.
"Baka college na tayo't hindi high school?" Ang acquiantance party ay para sa mga junior and senior high school. Ipinagdidiriwang ito upang magkaro'n ng pagkakataon ang lahat na magkakilala.
"Hindi ka pa ba sinabihan ni lolo?"
"May kailangan bang sabihin sa'kin si dean?", nakakunot ang nuo kong tanong. Tch, mukhang may di ako nalalaman ahh.
Bumuntong-hininga pa muna ang loko."Tayo daw ang special guest bukas"
"Tayong dalawa?"
"Hindi, tayong apat tapos meron pang isang babae. Hindi ko na kilala. Dalian mo baka naghihintay na si soundless boy at si cardo 'wirdo' dalisay", Ang tinutukoy niyang soundless boy ay ang isa pa naming kaibigan na si Kyle, ang pinakatahimik at masungit saaming apat. Habang si cardo 'wirdo' dalisay naman ay si Jade, ang feeling superman kung makatulong pero wirdo.
Kahit sino, binibigyan ng palayaw. Tch!
"Susunduin nyu ako?", ngisi-ngising tanong ko. Yun ang kadalasan nilang ginagawa, bilang respeto sa kanilang boss.
BWAHAHAHAHHHA!
"Hindi", deretsong sagot niya. What the fuck!? "Inaabuso mo na kami, eh"
"Anong inaabuso'ng sinasabi mo, Mr. Saavedra!?", inis na sigaw ko.
Tch! Kinalimutan na nilang ako ang bumuo ng quadro namin.
"Bakit hindi ba?", halatang tumatawang tanong niya. Sira-ulo ka!
"Tch saan tayo?", tanong ko nalang. Alam ko namang sa huli ako pa rin ang talo sa asaran namin. Baka si Thadeus Kenneth yan, hindi hihinto hanggang hindi ka sumuko.
"Sa mall nyo", automatic na tumaas ang isang kong kilay. Hindi ako bading, ulol!
"Sa iba nalang, dre", ani ko. "Sa Precise's mall? Ano, okay ba?"
"Ang mamahal dun, dre!" Kuripot!!
Napahilot ako sa sentido ko, tch kanino naman kaya nagmana ang isang toh. Hindi naman ganun si tita lisa, lalo naman si tito george. "Saan na nga?"
"Malay ko! Ikaw ang choosy dito ehh. Sabi nang doon na sa mall nyu!",
"Ayoko dun!", nakasimangot na sagot ko. "Gusto ko magbayad eh, puro naman libre"
"Problema ba yan!", napanguso ako tch. "Edi bayaran mo"
"Basta ayoko dun! Tapos!"
Napasinghal muna siya bago tumahimik. Baka nag-iisip na, buti naman. Masyado siyang kuripot. "Sa divisoria"
Boyset! Hindi makausap ng matino.
"Seryoso nga kasi, Thadeus," naiinis na sabi ko. "Sa Highland nalang"
"Seryoso naman ako nung sinabi kong sa divisoria, ah?," natatawa pang tanong niya. Tch! "Sige, sa highland nalang. Doon na tayo magkita-kita. Dapat 8:30 nandoon na, kung sino ang late siya ang manlilibre ng snacks" then he hang up.
Nangangati na kamay ng loko sa libre. Pumasok na ako sa bathroom ko at naligo, nagsepilyo. Mabilis ang pagkilos ko dahil ayokong mahuli, ang tatakaw pa naman ng mga yun. Nagpaalam lang ako kay manang at hindi na nag-almusal. Sumakay na ako sa aking bagong sports car na regalo ni lolo nung nakaraang linggo. Pinaharurot ko na ito, sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko narating ko agad ang high land. Nagulat pa ako nang makitang nakapark na ang kotse nilang lahat. Damn, i'm late.
Pagkatapos kong ipark ang aking sasakyan, bumaba na ako. "Nasan nman kaya ang mga yun, tch"
"Zeke! Here!", napalingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. And there, ang mga baliw kong kaibigan. Nakatayo sa tabi ng isang icecream vendor. Ang lalapad ng mga ngiti ng mga gago.
Napapailing-iling nalang akong pumunta sa gawi nila. Tch, magkano nman kaya ang mawawalgas ko ngayon?
"Hey dude", tumapik pa si Thadeus sa balikat ko.
"Let's eat first", ani ng pinakatahimik naming kaibigan. Si Kyle.
"Yeah", sang-ayon naman agad ni Jade. So yun nga ang gagawin namin at syempre libre ko, nagsimula kaming maglakad papasok sa mall. Nasa unahan si Thadeus habang ako ang nasa hulian.
"What the fuck, thadeus!", pareho kaming nagulat ni jade sa sigaw ni kyle. Napalingon kami sa natumbang si Kyle. Habang si Thadeus naman nakatulala lang sa kung saan.
"Hey, what happened?"
"Yang kaibigan nyu!", halatang naiinis na sigaw ni Kyle habang nililinisan ang suot niya. "Bigla-bigla nalang humihinto, nabunggo tuloy ako. Akala mo naman, maliit"
"Yun na yung pinakamahaba mong sinabi, Kyle Laurent" natatawang sabi ni Jade.
Tch, wirdo talaga.
"Hoy!", binatukan ko si Thadeus na nakatulala pa din. Napalingon siya saakin at masama akong tiningnan. Binigyan ko lang siya ng inosenteng tingin.
"May mas wirdo pa pala kay Jade", biglang ani ng kaibigan ko. Si thadeus, nauulol.
"Huh?"
"That girl", may itinuro ito sa may cotton candy vendor. May isang babaeng kumakain ng cotton candy habang nakahiga sa ilalim ng malaking puno. At what the fuck! Ang kapal ng suot niyang jacket! Yung kadalasang sinusuot sa mga bansang may umuulan ng snow. The hell?
Tirik ang araw pero siya, damn.
"She's nice", napanganga nalang kami ni Thadeus sa sinabi ni Jade.
"Magsama kayo!", sabay naming sigaw ni thad "Pareho kayong wirdo!"
"Ang iingay nyu, may kasalanan ka pa sakin thad! Back off!", biglang sigaw din ni Kyle
Buhay pa pala toh?