C H A P T E R 3 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Malalim na bumuntong hininga si Santa bago buksan ang pintuan nang kwarto niya. 6 am na ang oras pero hindi siya nakakuha nang tulog dahil sa pag-aaral at pag-iisip niya.
"Pasok po kayo, yaya Tina," malumanay na sabi niya at nilawakan ang pagbukas ng pintuan.
Nakangiting pumasok naman ito saka dumiretsyo sa harap ng kama niya. Tumayo lang siya doon at hinintay si Santa na makalapit sakaniya.
Tumikhim siya saka tinitigan ang maaliwalas na mukha nito. May kaunting kulubot na ang mukha nito ngunit hindi naman iyon dahilan para mawalan siya nang itsura, dahil kahit na malapit na ito maging senior citizen ay may angkin pa rin ito mg kagandahan.
"Sabi po ni sir Sage ay may sasabihin daw po kayo sa'akin, ano po iyon?" magalang na tanong nito.
"Sinabi niya po ba sa'yo na kailangan mo pong sundin lahat nang sasabihin ko?" malumanay na tanong ni Santa.
Hindi niya papakitaan ito nang ibang Santa na pinapakita niya kapag nand'yan ang dad niya dahil ito rin ang nag-alaga sakaniya noong bata pa lamang siya.
Nakangiting tumango naman ito. "Opo. Ano po bang-"
Agad niyang hinawakan ang maglabila nitong kamay at inalalayan na umupo sa kama niya. Saka pinaharap niya ito sakaniya.
"I'm begging you yaya Tina. Please, huwag na huwag niyong hahayaan na kumain sina Rian at Lea nang gulay lang, huwag niyo silang pipigilan sa gusto nilang gawin basta hindi iyon nakakapahamak sakanila. Huwag niyo silang papag-aralin ng sobrang tagal at alagaan niyo siya katulad nang pag-aalaga ko sakanila. Let them experience what I didn't experience when I was young.
"Gusto kong malayo 'yung tradisyon ni dad na pinaranas sa'akin. Ingatan niyo po sila sa abot nang makakaya niyo po. Yaya Tina kayo na lang po ang pag-asa ko ngayon sa mga kapatid ko."
Ilang minutong natahimik ang pagitan nila. Nagtitigan lang silang dalawa hanggang sa tumango si Tina at hinila ang dalaga payakap dito.
"Maasahan mo ako, Chrysanta," malambing na sabi niya habang hinahaplos ang buhok ni Santa.
Agad ngumuso ang dalaga upang pigilan na bumagsak ang luha na namuo ng marinig ang malambing na boses nito. Naalala na naman niya ang mom niya kaya mas lalong namuo ang pangungulila sa puso niya.
"Thank you so much, yaya Tina. I will trust you for this," bulong niya at pumikit at dinama lang ang kamay nito na panay haplos sa buhok niya.
Ilang minuto ang tinagal nila nang ganu'n ang pwesto ng si Santa na mismo ang naghiwalay kay Tina. Pinunasan niya ang gilid ng mata niya kahit na wala namang luhang lumabas doon.
Medyo nawala na ang mabigat na nararamdaman niya pero hindi iyon tuluyan nawala. Hangga't nand'yan ang dad niya ay hindi tuluyang mawawala ang pangamba niya.
"Manang-mana ka talaga sa mom mo," nakangiting sabi nito kaya agad siyang napalingon dito.
Mahina itong natawa at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Gan'yan na gan'yan siya pagdating kay Sequoia. Lahat ay hahamakin basta maingatan niya lang ang nag-iisang kapatid. Hindi na ko magtataka kung hahamakin niya ang lahat para lang maprotektahan lang kayong tatlo."
Napalabi ang dalaga nang maramdaman niya na nanubig na naman ang mga mata niya. May kung anong humaplos sa puso niya nang malaman iyon. Pero hindi mawawala sa isang parte niya na hinihiling niya na sana ganu'n din ang nasa isip nang dad niya. Kung sana lang iba ang pag-iisip ng dad niya ay baka maayos ang pamilya niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/272804823-288-k250911.jpg)
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...