"𝗪𝗛𝗜𝗦𝗧𝗟𝗘"
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐎𝐧𝐞(1)
✍️:JashTinKyulen
📌Pure fiction
📌Plagiarism is a crime
📌Typographical and grammatical errors ahead
📌Please do not repost this without any of my permission or without credits.𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐎𝐍𝐄
𝐈𝐕𝐘'𝐒 𝐏𝐎𝐕.)
Hatinggabi na,nandito ako ngayon natutulog sa kwarto ko ng biglang humangin ng malakas.
Napabangon ako dahil nagsigalawan ang mga kurtina sa mga bintana ng kwarto ko.
Parang may ibang feeling ako na naramdaman at feeling ko may nakatingin sakin.
Nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa lakas ng hangin.Ang mga bintana ay bukas-sara ng bukas-sara.
Nakaupo lang ako at halos maiyak na sa takot ng may biglang malakas na tunog ang narinig koAng tunog ay halos mabingi ka na pag narinig mo ito.
Nagtakip ako ng tenga ko habang nakatungo ag halos maiyak na sa takot.
Nawala bigla yung ingay at napalitan naman ito ng nakakatakot na tawa ng isang bata.
Napatanggal ang kamay ko sa tenga ko
Napatayo ako at pinuntahan kung saan nanggagaling ang tawang ito.Napansin kong nagmumula ito sa isang cabinet.
Bumaba ako ng kama at dahan-dahan akong naglakad patungo sa cabinet para buksan ito.
Ilang hakbang na lang ay mahahawakan ko na ang pinto ng cabinet.
Nahawakan ko na ang pintuan ng cabinet pero bago ko ito buksan,biglang nawala yung malakas na tawa ng isang bata.Yung nakakatakot na tawa.
Napalitan naman ito ng iyak.Yung iyak na hagulgol.
Bumuntong hininga muna ako bago ko buksan ito.
Pagbugkas ko nito ay may nakita akong isang bata na nakaputi,may dala-dala siyang teddy bear na puno bg dugo.
Napansin ko kaseng tumutulo ang dugo na mula sa teddy bear.Ilalapit ko na sana ang kamay ko para hawakan sana ang ulo niya ng biglang tumingin ito saakin at mabilis na lumapit sakin.
--------
"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" tili ko ng magising ako.Panaginip lang pala.
Nagbago ang pwesto ko na mula sa pagkakahiga ay ngayon ay nakaupo na lang sa kama.
"Panaginip lang pala" sambit ko.
Tumingin ako sa mga bintana pero walang nagbago dito at ang mga kurtina ay mga nakaayos.
Pero napasagi ang tingin ko sa cabinet dahil nakabukas ito ng konti.
Dahan-dahan akong lumalapit dito para buksan ulit ito pero ngayon ay totoo na to.
Halos nanginginig na ang kamay ko para lang mahawakan ang cabinet na ito.
Sa wakas,nahawakam ko na ang pinto.Bubuksan ko na sana ng biglang halos mamatay ako sa gulat ng biglang nag-ring ang cellphone ko.
Kinuha ko naman ito mula sa lamesa at nakita kong si Pablo pala ang tumatawag.
Agad ko naman itong sinagot."Ivy ano sasama ka pa ba?" sabat nito ng sagutin ko ang tawag niya.
"Ita-try ko pa den.Wala kasi akong kasama dito sa bahay ngayon eh.Wala sina mommy at daddy,nasa Paris sila may business trip.Di pa ako sure." tugon ko dito.
"Pero diba nung una pumayag ka na?"
"Wala pa akong sinasabi ha.Ang sabi ko sa inyo nung una di pa ako sure." umupo naman ako sa kama hababg kinakausap siya."Basta,ipapasundo ka namin bukas jan kay Josh." napatayo naman ako ng banggitin niya ang pangalan ni Josh.
"What?! Bakit siya? Kelan pa nabuhay ang taong yan? Atsaka bakit kasama pa yan?!" galit na tanong ko dito
"Okay lang yun,basta intayin mo siya bukas jan,try ko na lang kausapin sina tita para makumbinseng payagan ka.Basta mag-impake ka na.Isang linggo lang naman tayo dun eh.Kelangan lang talaga natin i-shoot yung project natin.Okay? Babye,see you and goodnight."
"P-Pero Pab---"tut tut tut tut.
Pinatayan ako ng henyemas.Napaupo naman ako at binagsak ang cellphone ko.
Pagkaupo ko ay napahawak ako sa noo koBakit si Josh.
Buhay pa pala siya ha.
Hay naku.
Alam naman nilang ayokong makausap yung damuho na yun.
Ni makita nga ayoko eh,tapos siya pa ang pagsusunduin sakin?
Hayssst but I have no choice.Besides,kelangan ko pa den sumama sa kanila,mahalaga tong gagawin namin para sa project namin at hindi ako pwedeng hindi sumama dahil ako ang script writer ng film na ishu-shoot namin.Ilang oras ang nakalipas at di ko namamalayang nakatulog na pala ako.
-----------F A S T F O R W A R D
Isang sinag ng araw ang gumising sa akin.
Dahan-dahan ko naman iminulat ang mga mata ko"Hmmmm" saad ko habang nakahilata pa den.
Bumangon na ako para mag-impake na sana ng may biglang.....
*dingdong*
Tunog yun ng doorbell namin.
Tumingin naman ako sa relo ko.8:30 pa lang anjan na agad ang damuho na susundo sakin?
Hayssst. Ngayon pa lang awkwardness na ang bumabalot sakin.
Lumabas akl mula sa kwarto ko at bumaba ng hagdan.
Pagbugkas ko ng pinto ay isang lalaki na nakatalikod ang bumungad sakin.
Dahan-dahan naman itong humarap sakin.
Napabuntong hininga naman ako ng makita kong si Josh ito.-TO BE CONTINUE-.
@TKWifue
YOU ARE READING
WHISTLE
Teen Fiction"𝗪𝗛𝗜𝗦𝗧𝗟𝗘" 📌Pure fiction 📌Plagiarism is a crime 📌Typographical and grammatical errors ahead 📌Please do not repost this without any of my permission or without credits. "PROLOUGE" 𝗪𝗵𝗶𝘀𝘁𝗹𝗲 Isang simpleng kilos na nanggagaling at lumal...