"Nandito na kami sa kanto ng bahay niyo, nasaan kana ba?" Napairap ako sa naririnig na inip sa boses ni Nicole mula sa kabilang linya. Maririnig din ang tawa ng iba pang girls.
"Girl, five minutes okay?" sagot ko habang isinusuot ang pleated black mini skirt.
"Male-late na tayo sa party sa sobrang kupad mo,"
"Heto, palabas na," binuksan ko ang sliding window sa aking kwarto nang sobrang marahan at itatapak na ang kanang paa palabas nang makarinig ako ng katok mula sa pinto.
"Shit!" Bulalas ko at kaagad na isinara ang bintana at dali-daling bumalik sa kama at itinalukbong ang comforter hanggang leeg. Saktong bumukas ang pinto nang maipikit ko ang mga mata ko.
"Anak, gising ka pa ba?" Mahinahon ang boses na tanong ni Mom habang sinisipat ako sa kama. Pinanindigan ko ang pagpapanggap na natutulog at hinayaan siyang tuluyang pumasok.
Alam kong mas lalong maiinis sa akin si Nicole dahil napakatagal bago ako nakalabas.
Narinig ko ang mahinhin na mga yapak sa sahig at naramdamang lumundo ang kama.
Humigpit ang hawak ko sa comforter at mas dumiin ang pagkakapikit ng aking mga mata.
Pigil ang sarili na mapakislot ako sa gulat nang maramdaman ang haplos ni Mom sa aking ulo at may kasunod na magaang halik sa aking buhok.
Maya-maya rin ay umalis na si Mom at nang masiguro kong hindi na siya muling papasok sa kwarto ay kaagad kong kinuha ang aking purse na nasa study table at muling binuksan ang sliding window.
Puno ng pag-iingat na tumalon ako sa tatlong talampakang taas ng lupa mula sa bintana at nanakbo patungo sa likod bahay kung saan matatagpuan ang ginawa kong lagusan.
"Nakalabas na ako," bungad ko nang tumawag muli si Nicole.
"Make it fast!" pagmamadali niya.
"Fine." Pagsuko kong sagot. Ilang hakbang pa lamang ay nakita ko na kaagad ang kulay itim na hilux na nakaparada sa kanto, nang umilaw ito ay mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. I am wearing a three-inch high heels yet I was running like there was no tomorrow.
"You're so late, ya know," matinis ang boses na puna ni Anitha.
"Bantay sarado eh, what do we expect?" nakangising ani ni Vanezza at kinindatan ako. Natawa ako sakanila at tuluyan nang sumampa sa loob.
"Saang bar tayo?" tanong ko.
Ngumisi si Jennifer, "Don Daniels Bar," namilog ang mga mata ko sa narinig.
"What?"
"Are we even allowed to enter on that place?"
"Ofcourse! We have a perfect body baby, even at this age. Let's use it!" sabay kaming nagtawanan. Inutusan ni Nicole ang driver ng sasakyan na umusad na siya namang kaagad na sinunod.
"I heard from school that Aerone will come to this party," maarte ang boses na hayag ni Anitha habang dinadagdagan ang lipstick sa kaniyang labi. Magkapanabay kaming suminghap at kaagad na pinag-tuonan siya ng pansin.
"Really?"
"Yup, together with his bestfriend Miguel Santos." Hindi pa man din natatapos ang sinasabi ni Anitha nang malakas kaming tumiling tatlo.
"Oh my god, I need my make up! Kailangang maganda ako kapag nakita ako ni Aerone Tejares!" Ngali-ngaling ani ni Nicole at hinalungkat ang kaniyang bag.
"Silang dalawa lang ng bestfriend niya?"
"That's what I heard, I dunno if his teammates will also be there." Kibit-balikat niya sa tanong ko at ngayon ay inaayos na ang kaniyang buhok.
BINABASA MO ANG
The Teenage Mistake
Teen FictionAs a teenager who is curios in almost everything, Melody really did enjoy her freedom. But what if something happened that will leave a mark to her entire life? Would she feel sorry for taking her freedom sooner and letting her curiosity being answe...