Love, Caste

9 1 2
                                    

Kung saan nagtatagpo ang dalawang kulay na nagbigay depinisyon sa aking naging buhay, maging sa henerasyong natapos at henerasyong sumunod; ang puting tinta ng kalangitan at ang niyurak na kulay lupa, ang aking ama habang nagpupumiglas sa kamay ng mga dominanteng caste; ang huling pahina ng aking libro bago nalamon ng kadiliman at sa wakas ay nagtugma ang kulay ng eksternal na mundo sa mundong tanging ako at ang mga kaluluwang nakulong sa balat na itim lamang ang may alam.

"Lucas, tara, maglaro tayo doon. Mas maganda dun may slide at see-saw, sawang-sawa nako sa paglalaro ng mga laruan na toh"
"Pero Alfred naaalala mo ba ang sinabi ni inay? Ang puti ay sa puti...."
"Ang itim ay sa itim. Pero hindi naman tayo magtatagal doon eh. Ikaw ang bahala, basta ako pupunta"
Matuling tumakbo si Alfred patungo sa slide habang naiwan naman si ako na naglalaro ng mga laruang hinulma sa kahoy ng aking ama. Subalit, pagkaraan ng ilang minuto ay bigla akong nakarinig ng pagbabangayan ng isa hanggang tatlong tao at boses ng isang bata. Dali-dali akong nagtago sa likod ng bahay na pinakamalapit sa kinatatayuan ko na sapat lamang ang distansiya upang madinig ko ng malinaw ang mga salita.
"Sinong nagsabing pwede mong hawakan ang pinaglalaruan ng mga anak namin? Tatandaan mo ang sasabihin ko, ang isang tulad mo ay kahit kailan hindi magkakaroon ng karapatan na hawakan ang kahit na anong pag-aari namin o kahit dampi man lang ng katiting ng iyong balat, ang pagtapak mo sa lupain na ito ay kasaklam-saklam."
"Hindi ko naman po balak na magtagal. At tyaka pampiblikong parke naman po ito. Hindi ko na po uulitin"
"At sumasagot ka pa talaga?! Pare ilabas mo na yan"
Habang sunod-sunod na umalingawngaw ang tatlong putok, ang tangi kong nakikita ay ang kulay itim.
"Ang itim ay sa itim," wika ni ina na may mga  matang nangungusap; ang mga salita, ang tinig bago siya tuluyang kaladkarin ng mga dominanteng caste patungo sa malayo. "Babalik siya, ibabalik nila siya." Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos.

-----------------------------------------------------------

Disyembre ng taong 1943, bilang kasapi sa pinaka-ilalim ng hirarkiya, ang pagkaabot ko sa gulang na dyisiotso ay lagpas na sa inaasahan. 
"Lucas, anak, tatandaan mo lahat ng mga payo namin ng nanay mo. Lalo na ngayon, naghahanap ka na ng trabaho, hindi na kita.."
"Oo na tay, sige na. Paskong-pasko, namomroblema ka na naman. Kain na tayo"
"Bakit parang madami naman masyado ang handa natin ngayon anak?"
"Hindi ko alam. Siguro dahil sa magandang panahon o baka dahil masaya ako, hindi ko napansin na nadamihan ko na pala. O baka dahil napansin kong pagod na pagod ka ngayon at gusto lang pagaanin ang loob mo at baka dahil natanggap na ako sa pagtatrabahuan ko?"
"Andami mo namang sinabi..... Teka, ano nga ulit yun? Tanggap ka na? Talga?! Congrats anak!"
"Salamat pa. Kain na tayo at tatapusin ko pa ang mga liham na ibibigay ko sa mga makakatrabaho ko"
Sa pagsapit nga ng gabi ay sinikap kong matapos lahat ang lahat ng mga liham at sa ibabaw ng aking mesa, nakapatong ang isang hilera ng puting sobre sa aking kaliwa at isang pulang sobre aa aking kanan. Natutuwa ako dahil natanggap na ako sa trabaho subalit bakit parang mas natutuwa pa ako habang pinagmamasdan ang pulang sobre?

-----------------------------------------------------------

Hindi nabigyan ng maayos na libing si Alfred. May usap-usapang inilagay sa sako ang katawan niya at itinapon sa sapa. May usap-usapan ding pinaghati-hatian ng mga salarin ang katawan at kanya-kanyang ipinadala sa mga kamag-anak, dating kapitbahay, o mga dating kaklase upang ipagmayabang.
"Ayos ka lang ba anak? Nag-alala ako sa iyo"
"Sa pangalawang kanto"
"Ha?"
"Doon sila nakatira"
"Ang alin?"
"Ang nagpaputok ng baril ay nasa ikatlong bahay, ang may-ari ng baril ay nasa unang bahay at ang isang lalaki ay ang pang-limanhg bahay"
"Tama na, alam kong masyado ka pang bata subalit kinakailangan mo nang malaman. Alam kong matatangay sa iyo ang iyong pagiging bata subalit kailangan natin itong isakripisyo para maaabot mo ang iyong pagkabinata at maaring higit pa."
"Pero.."
"Makinig ka, kahit na anong mangyari hindi ka dapat makikisalamuha sa mga puti, lumayo ka kapag sila ay dadaan, basta kahit na anong mangyari kailangan mong magpakababa, umaktong mababa na naayon sa sistema. Hindi ka na pwedeng umakto nang naayon sa iyong edad. Hindi ka pwedeng maging makulit at kailangan mong pumirmi sa isang sulok. Ayokong mawala ka rin sa akin."

-----------------------------------------------------------

Magugustuhan kaya ni Sophia ang isinulat kong liham? Kung kanina ay hindi ko pa mapigilan ang sarili sa pagngiti habang nakatitig sa pulang sobre, ngayo'y may nahalo nang pangamba. Alam kong nabibilang siya sa dominanteng caste. Kami ay maituturing na tulad ng dalwang hangganan ng kwadernong ito, malayo at magkasalungat. Maraming beses ko na ring nasaksihan kung gaano kailap ang kaniyang uri sa aming uri, subalit naniniwala pa rin akong mayroon din silang itinatagong kabutihan.
Ang kwaderno ay paulit-ulit kong itinutupi sa gitna at sa bawat pagtupi ay napapansin kong nagkakadikit ang dalawang dulo. May paraan pa para maging isa ang dalawang hangganan.

-----------------------------------------------------------

Noon din ay nakatanggap ako ng liham. Ipinakita ni Sophia ang liham na aking isinulat sa kanyang ama.
Lucas,
Nais kong iparating sayo na ang liham na iyong isinulat ay nagdulot ng pagkabagabag sa aking anak at hindi ko ito rin ito nagugustuhan. Gusto kong simula ngayon ay layuan mo siya dahil kung hindi, alam mo naman na kung ano ang mangyayari

"Napapansin kong kanina ka pa tingin nang tingin dun anak ah, may natitipuhan ka?"
"Wala tay, ano ka ba"
"Sus, eh kung makatingin ka naman parang may kung ano na sa mukha mo. Dun yun ano? Teka.."
Biglang nag-iba sumeryoso ang mukha ni tatay.
"Mga puti" bulong niya sa sarili
"Ay hindi, doon ata yun ano?"
"Tay kumain nalang tayo"
Ngumiti siya sa akin at hinawakan ulit ang kaniyang kutsara subalit hindi na ulit siya sumubo
"Anak, natatandaan mo pa naman siguro ang mga bilin ko di ba?
Hindi ako makasagot.
"Anak, sinusunod mo pa naman ang mga yun, hindi ba?
Ayokong magsinungaling
"Magligpit kana at aalis na tayo. Karamihan na dito ay mga dominanteng caste, kung ipagpipilitan pa nating manatili para narin nating pinagpilitang mabawian ng buhay."

-----------------------------------------------------------

Sinubukan ko na halos lahat ng paraan para pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawang patigilin ang panginginig ng kamay ko. Ilang beses ko na ring nabitawan ang sobre na hawak ko.
Enero, 1944, sa pagsapit mismo ng bagong taon, napagdesisyunan kong pumunta sa bahay nila Sophia upang personal na maibigay ang aking sulat bilang pagtugon sa liham na natanggap ko kamakailan.
At nang marating ko na ang bahay, tatlong beses muna akong kumatok bago ako pinagbuksan nang pinto. Saktong noo'y wala ang kaniyang ama kaya si Sophia ang bumukas ng pinto. Nagulat siya nang makita ako at bakas sa kaniyang mukha na hindi siya komportable at nagsimula nang magkaroon ng bahid ng pagkatakot. Dahan-dahan kong iniabot ang sobreng hawak ko sa kanya upang hindi siya maalarma. Pagkakuha niya rito ay agad akong umalis at hindi nanagsalita pa.
Dear Sophia,
Alam kong mailap ang turing ninyo sa uru namin dahil sa aming kulay at lalo na dahil kabilang kami sa pinakamababang uri ng hirarkiya. Subalit nais ko lamang sabihin na kami ay mababait na tao na gusto lamang makipagkaibigan sa inyo. Wag mo sanang ipapakita ito sa iba.

-----------------------------------------------------------

"Lucas, tara na"
"Mauna ka na"
"Naku Lucas, ano na naman gagawin mo, panakaw-nakaw ng sulyap?"
"Hindi ah"
"Lucas, babalaan ulit kita dito. Hindi lahat nang nasa dominanteng caste ay katulad ko. Mas mabait ako. At malamang sa malamang, mas may mukha ako."
"Umalis kana nga lang, sinisira mo ang araw ko."
"Sige na nga hahaha, kita tayo bukas. Pero seryoso Lucas, hindi lahat sa amin ay hindi pa nalalamon ng caste. Hindi lahat, Lucas"
Hindi lahat, pero hindi rin lahat ay katulad niya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa sa akin ito. Kahit pa nasa kalagitnaan siya ng maraming tao, siya ang una kong nahahanap. Naaaliw ako sa kung paano siya tumitingin sa taas o pinapaikot ang buhok sa daliri at ang pagkunot ng kaniyang noo tuwing siya ay nag-iisip. Subalit ang pinakapaborito ko sa lahat, ang kaniyang ngiti at kung paanong nakakahawa ang kaniyang tawa.

-----------------------------------------------------------

"Ito po ba ang bahay ni Lucas?"
"Opo, anak ko po siya"
"Sumama kayo sa amin"
"Teka, saan niyo ako dadalhin?"
"Tay!"
"Kunin na rin yan, bilisan nyo!"
"Kung ayaw manahimik, tuluyan niyo na"
"Tara na, itabi mo lang sa may ilog. Tuturuan lang natin ng leksyon ang mga hangal na ito."
Ipinakita niya ang liham
"Itali mo yan, itali mong maiigi pagkatapos ay ihulog mo sa ilog. Wag mo talian ang ama at hayaan natin siyang panoorin kung paanong mamatay ng paunti-unti ang kanyak anak bago natin siya isunod."

Ipinakita niya sa kaniyang ama ang liham.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love, CasteWhere stories live. Discover now