Chapter 1: Study First
"Uy, saglit lang che. Dito ka muna, wag kang gagalaw puta ka!" sigaw ni Callia sa kanyang kaibigan habang nagtatago sa kanyang likod.
"Ano ba yan Cali, wag mong sabihing ghinost mo na naman yung kachat mo nung isang araw" sabi ni Chendy na kanyang kaibigan.
"Okay, di ko sasabihin" sabi naman ni Callia na nagpaismid sa kanyang kaibigan. Kinurot ni Che si Cali at dahil dito ay napasigaw si Cali na nakapagbigay pansin sa kanyang tinataguan.
"Uy HAHAHHHAHA Hi. Kamusta ka na?" naiilang na tanong ni Callia kay Mark na siyang ghinost niya. Tinignan niya ng masama si Che ngunit ang isa ay nginitian lamang siya.
"Okay lang. 3 days ka nang naghuhugas ng pinggan ah pati ata pinggan ng kapitbahay niyo hinugasan mo na. Bakit di ka sumali sa commercial ng joy?" sabi ni Mark. 'funny ka na niyan? lol' sa isip-isip ni Callia, hindi niya maitago ang pagkairita sa kausap.
"Sige, mauna na ako. Maghuhugas pa ako pinggan" sabi nalang ni Callia upang hindi na humaba pa ang pag-uusap nila at sabay hinila si Che.
"Tignan mo na, Che! Nakakainis ka naman kasi eh yan tuloy nakita ako" Naglalakad sila patungo sa canteen nila dahil hindi pa sila nagbreakfast.
"Cali, kung hindi mo sana ghinost edi payapa sana buhay mo ngayon. Bakit mo ba kasi ghinost yon mukhang okay naman ah" Napatawa nalang si Callia.
"Ang daldal niya, di ko siya type. Masiyadong clingy at nagdedemand ng oras eh hindi naman kami suntukin ko yon eh." Pagdedepensa ni Callia sa kanyang sarili.
"Bakit di mo sabihin yan nang harap-harapan kay Mark. Ang plastic mo rin eh, kinamusta mo pa kanina gago ka" Hanggang sa nakaupo na sila sa table ay sinesermonan pa rin ni Che ang kanyang kaibigan
"Alam mo, umamin ka nga sa akin Cali. May past relationship ka ba na hindi ko alam na nagbigay sa'yo ng trauma kaya takot ka magcommit ha?" pag-uusisa ni Chendy sa kanyang lovelife.
Umiling si Callia. "Ano ba Che, bestfriend na tayo mula bata pa. Never ako nabroken o nareject kasi never rin naman ako umaamin sa mga crush ko at hindi ako takot sa commitment ulol ka"
Hinawakan ni Che ang mga kamay ni Callia at tinitigan siya sa mata. "Hindi ako magagalit Cali, promise. Umamin ka lang. Kailangan mo 'yang ilabas para saan pa at naging kaibigan mo ko kung hindi ako makikinig sa mga problema mo. Bestfriend forever nga tayo diba"
Hindi makapaniwala si Callia sa pinagsasabi ng kanyang kaibigan at feeling niya ay pinagtritripan na siya nito.
"Tangina Che! Para ka namang tanga. Sobrang dramatic amputa. Hindi ako takot sa commitment, hindi lang ako ready. Study first ako noh!"
"Study first mo mukha mo! Ideal man mo si Mark diba so bakit mo ghinost. Basketball player, check. Nasa 6 feet ang height, check. Matalino, check. Moreno, check. So bakit?" Hindi pa rin tumitigil si Chendy sa pag-uusisa sa lovelife ni Callia. Medyo naririndi na si Callia at gusto niya na magchange topic ngunit alam niya namang hindi titigil si Chendy.
"Wala akong maramdaman sa kanya, galit at inis lang. Akala ko nga rin magcli-click kami kaso noong nakakachat ko na siya biglang 'di ko na siya bet. Naiinis nalang ako sa kanya." Paliwanag ni Callia at si Chendy naman ay napangiti
"Enemies to lovers me thinks" sabi ni Chendy at pinaghahampas si Cali dahil kinikilig siya sa idea na kanyang naiisip. Napangiwi naman si Callia at sinabi sa sariling never siyang mahuhulog kay Mark.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta na sila sa kani-kanilang mga klase. Si Callia Mae Del Mundo ay isang STEM student samantalang si Chendy Concepcion ay isang HUMSS student. Pareho na silang grade 12 at 18 years old. Sa isang university sa Manila sila nag-aaral at nakatira sa iisang condominium. Simula elementary ay magbestfriend na sila at laging magkasama. Ngayong senior high lang sila hindi naging magkaklase dahil si Chendy ay nais maging abogado samantalang si Callia ay isang aspiring doctor.
Pagkatapos ng kanilang klase ay nagtext si Chendy na hindi siya sasabay uuwi dahil may requirements pa siyang gagawin kaya nauna na si Callia. Sobrang sabog ni Callia dahil sa sandamakmak na requirements ang iniisip niya. After niya bumili ng mga kakailanganin para sa mga school works ay sumakay na siya sa Jeep.
"Kuya! AMEN PO!" sigaw ni Callia at bababa na siya ngunit narealize niyang hindi pala 'para po' ang sinabi niya dahil lahat ng tao sa Jeep ay nakatingin sa kanya. 'tangina, self ang bobo mo shet putangina ka nakakahiya'
Ngumiti nalang si Callia at sinabing, "Ay para po pala hehehehe"
Nagmamadaling bumaba si Callia at pumasok sa condo nila. Ngunit sa pagmamadali niya ay may nakabangga pa siya 'ang malas ko ngayon putangina naman'
"Halla! Sorry po, sorry po talaga!" paumanhin ni Callia sabay pinulot ang mga nahulog niyang gamit buti nalang tinulungan siya ng nakabangga niya.
"Taga UST ka pala, hi" sabi ng lalaki sa kanya ngunit hindi ito masiyadong naintindihan ni Callia.
"Ha? Ahm pray for us po" Napatawa ang lalaki. 'cute' sabi nito sa kanyang isip. Nakita niya ang ID ni Callia para tignan ang pangalan nito ngunit nanlumo siya ng makitang senior high palang ito 'atabs pa pota ayaw ko pa makulong'
"Natapos rin Midterms putangina isa nalang road to qpav na" Natapos na ang exam nila Callia kaya't gusto niya munang matulog at magpahinga upang mabawi naman ang lakas niya. Umuwi si Callia sa kanilang condo ngunit si Chendy ay pumunta sa mall at gumala kasama ang kanyang mga kaklase.
Nagising si Callia nang 9 pm ngunit wala pa rin si Che kaya chinat na niya ito
Cali: Uy che! Asan ka? Hindi ka ba uuwi?
Che: Hindi na. Mag-iinom kami HAHAHAH. Hindi ka kasama edi sana may mag-aalaga sa akin.
Cali: ulol! Iinom nalang ako mag-isa dito ang yabang mo low tolerance naman
Che: o edi ikaw na may high tolerance pero wala namang jowa iyaqqqq!
Cali: Ay bakit gurl? May jowa ka ba? E wala rin naman. Bigwasan kita dyan eh
Che: HAHAHAHAH pikon. Bye na, ingat ka dyan. Sarado mo pinto.
Cali: Okiii. Ikaw rin ingat ka dyan medyo panatag ako kasi kasama mo mga kaklase mo pero ingat pa rin.
Hindi na ulit makatulog si Callia kaya pumunta muna siya sa Mcdo dahil hindi pa siya nagdidinner. Kumakain si Callia malapit sa may bintana at nagulat siya nang biglang may kumaway sa kanya.
"Pakyu ka! Tanginamo!" Inis na inis si Callia lalo na at si Mark pa pala ang gumawa non sa kanya. Pumasok si Mark at umupo sa harap niya.
"Naghuhugas ka rin ba dito sa Mcdo. Kaya hanggang ngayon 'di ka pa rin nagrereply" sabi ni Mark at napairap naman si Callia. Hindi umimik si Callia bagkus ay kinuha niya ang kanyang cellphone at nagreply kay Mark ng, "Study first".
Napatawa naman si Mark at sinabing, "Pwede namang kaibigan lang ha. Hindi kita lalandiin, promise."
Ayaw na makipag-usap ni Callia kaya pumayag nalang siya, "Okay, aports. Bye, tulog na ako"
Tumayo na siya at iniwan na si Mark sa Mcdo.
BINABASA MO ANG
Risking Together
RomanceAn NBSB girl that has issues with committing to a relationship met a boy who doesn't settle for less and always asks for a label. What will she do?