Nakaupo ako habang hinihintay ang order ko at nakatanaw sa labas sa mga taong dumadaan.
It's been 2 years nang huli kong punta rito, I still remember what happened that time
(flashback)
"I'm sorry, I am letting you go now. Thank you for all the memories we made."Megan said.
"Can we fix this? I know we can made it."
"Wag na nating ipilit ang mga bagay na hindi magwo-work, mas lalo lang tayong mahihirapan pag tinuloy pa natin 'to" sambit ni Megan at binitawan ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanya.
"Pero tatlong taon na tayo, wala na ba talagang paraan? Bakit kailangan nating umabot sa ganito?" Pilit kong pinipigilan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko.
Sandali kaming natahimik. May kinuha si Megan sa bag n'ya at pagkalabas nito naalala kong ito ang kwintas na ibinigay ko 2 years ago, inabot n'ya ito at sinabi,
"Binabalik ko na, ibigay mo 'yan sa taong kukumpleto sa'yo. Sigurado akong makakahanap ka pa ng mas deserving sa pagmamahal mo."
Kinuha ko ang kwintas at pinagmasdan ito.
"I'm sorry, salamat." Huling sambit n'ya at umalis na. Ramdam kong biglang kumawala ang mga luha na kanina pa gustong tumulo sa aking mga mata na tila baga'y buhos ng ulan na hindi ko mapigilan.
Nang makabalik na ako sa aking ulirat tsaka ko namalayan na gabi na pala, ang mga taong dumaraan ay paunti na ng paunti.
"Sir, magsasara na po kami, may oorderin pa po ba kayo?" Rinig kong sabi ng waiter sa gilid ko, nilingon ko s'ya at sinabing hindi na at tumayo na ako.
Habang naglalakad ako pauwi ay dama kong may pumapatak sa pisngi ko, tumingala ako at nakita ko ang pagbagsak ng mga patak ng ulan, siguro malungkot rin s'ya ngayon kaya s'ya umiiyak.
Sumilong ako saglit nang makatabi ko ang isang babae, simple lang ang porma ngunit nakita kong masaya ang mata n'ya, sana all masaya. Nakita ko rin ang suot n'yang damit na may nakalagay na
ROMANS 8:28
Ilang minuto pa ay lumalakas na ang ulan.
"Uhm, hi. " bati ng babae at inabot ang payong n'ya.
"Hindi ayos lang ako." Pagtanggi ko.
"Ayos lang, sasakay na rin naman ako. Saka wag mo nang tanggihan, may mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan tulad ng ulan." Wika nya at inabot sa'kin 'yung payong
Nilagay n'ya sa ulo n'ya 'yung hood ng jacket n'ya at tumakbo at sumakay ng bus.
"Isasauli ko, kapag nagkita tayo." Bahagya kong sigaw.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad ngunit umuulan parin.
Lumipas ang dalawang buwan nagpatuloy ako sa pag aaral ko, sembreak kaya naman naisipan kong mamasyal. Habang nasa terminal ay may nakita akong isang grupo na namimigay ng leaflets, may iisa silang t-shirt na may nakalagay na bible verse.
ROMANS 8:28
"Hello po, magandang araw." Lumingon ako at tiningnan kung sino ang nagsasalita, lalaking halos kasing edad ko lang, tiningnan ko ang inabot n'ya.
HOW TO FIND LOVE, nakalagay sa leaflets, binuksan ko ito, nagpatuloy ang lalaki sa pagsasalita kaya hindi ko na nabasa ang nasa loob ng papel.
"Nais po namin kayong imbitahan sa gaganaping event sa church namin, hindi po kami nanghihingi ng kahit ano, gusto lang po naming iparating sa inyo na mahal kayo ni Jesus, gaganapin po ang event sa sabado, kung nais n'yo po puntahan, tawid lang po kayo d'yan sa overpass, sa may tabi ng plaza sa kanan makikita mo ang church namin, nakalagay na po d'yan 'yung pangalan. Salamat po, Godbless, hope to see you there." Sambit n'ya at binaling ang atensyon sa katabi ko at sinabi rin ang sinabi n'ya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Where Do Broken Hearts Go
Short Storythis is the story of a man who was searching for healing, true love and life for a living then he found God, and God reveals Himself to him through people around him. "Where do broken hearts go? They will go to their real home, real love, and that i...