Michelle's POV
Hi. Ako po si Michelle de La Fuentes. 16 years old. Fourth year highschool.
Matalino, Masipag, at higit sa Lahat, isang Magandang Nerd.
Opo, isa po akong nerd pero maganda naman.
Kaya lagi akong top 1 sa over all year levels ko... ^_^
Hindi naman ako nagsusuot ng eye glasses pero palaging libro hawak ko. Di ko alam kung bakit, pero hilig ko lang talaga ang magbasa tungkol sa mga napapag-aralan namin sa school.
Galing po ako sa isang katamtamang antas ng pamilya. Hindi masyadong mahirap at hindi rin masyadong mayaman at ipinagmamalaki ko po ang aking pangalan na galing sa mga magulang kong sina Mr. Marcial de La Fuentes at Ms. Amy dela Fuentes. At ako ang nag-iisa nilang anak.
Kaibigan? Wala akong kaibigan. Lahat kase sila, iniiwasan ako. Siguro, nahihiya lang sila saaken kase Maganda at Matalino ako. Hihihi.
*DrRrRtTt* *DrRrRtTt* *DrRrTtT*
May nagtext.
*open*
From: Babe
Babe. Kita tayo sa mall mamayang 2pm. Hihintayin kita. Love you
-----------------------------------
GeheEe. Kinikilig ako. Love you daw .. Hihihi
Teka . Mareply-an nga?
*reply*
To: Babe
"Sige, babe. Punta ako. Love you too."
-----------------------------------------
From: Babe
Sige, ingat .
--------------------------------------
By the way, siya nga pala si Jonathan Suarez.
Gwapo, at basketball player. Siya ang 7th boyfriend ko.Yeah. Gulat kayo nohHh?!!
Pero ni isa sa mga yan, wala pa akong natatanggap na kiss .... sa lips. Kahit isa lang. Ewan ko ba kung bakit? Pero sana dumating na yumg pagkakataong iyon. Hihihi
Kung tinatanong nyo kung bakit nagkaroon ako ng 6 na ex- boyfriends, hayYy nako. Niloko ba naman ako. Palaging may tago silang girlfriends tapos lagi ko pa sila naabutang magkasama at nakikitang naghahaikan. As in. Tapos kami nung mga ex- boyfriends ko, as in wala.
Ewan ko ba kung bakit? Maganda naman ako ah. Mas maganda pa nga ako dun sa mga pinagpapalit nila sa akin. Pero, haYy, nevermind. Past is past.
Ang aatupagin ko nalang ngayon ay ang Babe kong si Nathan. ^_^
--------------------------------------------
*bihis* *bihis*
*ayos* *ayos ng konti*
Tapos ....
"Ma, Pa. Alis na po ako." sabi ko tapos kiss sa cheeks nila.
"Saan ka pupunta?"sabi ni Papa
"Pupuntahan ko lang po boyfriend ko. Hihihi."sabi ko
"Ang sabi ko naman sa'yo, tama na yang boyfriend boyfriend, baka umuwi ka nanaman nang luhaan. Ayoko ng mangyari 'yung mga nangyari sa'yo dati." sabi ni Papa
"Papa naman, 'wag nyo kaseng unahan ng salita. Baka magkatotoo eh ikaw rin po sisisihin ko."sabi ko ng pa-joke syempre
"Okay, sige na punta ka na dun baka kung ano pa masabi ko sa'yo. Basta siguraduhin mong di mangyayari yon ulet, or else papaluin pa kita ng may pagkalakas-lakas hanggang sa matauhan ka.!!" sabi ni Papa
BINABASA MO ANG
First Kiss Ko Si Panget?!! [COMPLETED]
Short Story....................... Just Read And Enjoy. ^^