CERTIFIED SINGLE (One Shot)

540 22 8
                                    

CERTIFIED SINGLE
    by ChastineCabs_11


Sa panahon ngayon, marami na ang nagkalat na single sa mundo. Sa palagay mo, bakit kaya? Bakit maraming single? May kinalaman ba ang alignment ng stars sa outer space kaya hanggang ngayon zero pa din ang lovelife ng isang tao? Well, maybe? xD

Marami din namang kasing dahilan kung bakit single ang isang tao. It's either single by chance or by choice.

Ikaw? Single by chance ka ba o single by choice? Puwede naman both kasi naroon pa din naman ang keyword. "SINGLE". lol.

Kung Oo ang sagot mo, tara join ka sa grupo namin at samahan mo ako sa byahe ko! :)

✂ - - - - - - - - - 🚏


"I HATE to say 'I told you so,' but I will." sabi ni Shannon sabay duro ng hawak niyang tinidor sa kaybigan naming si Kisha. "Pinairal mo ang pagkaatat, iiyak-iyak ka tuloy ngayon! Sinabihan ka lang 'You complete me,' syinota mo na. Ano ka ngayon Kisha Perez? Nakilala mo lang nong Martes, jowers na kayo ng Huwebes. Aba, natural, pagsapit ng linggo, tsugi!" nanggigil na pinagsasaksak pa niya ng tinidor ang hangin.

Naku po! Lumabas na naman ang pagiging dragoneza ni Shannon. xD

Napapaatras naman ang mukha ni Kisha. "Sa susunod, alamin mo muna ang middle name ng syosyotain mo ha, para hindi nalo-lost yang bangs mo!"

Natatawa nalang ako sa panenermon ni Shannon kay Kisha. Pati si Mavhy na busy sa pagbabasa ng romance novel nya ay napapailing nalang din.

Nandito kami ngayong apat na magkakaybigan sa Costa, ang paborito naming tambayan sa lobby ng office building namin every afternoon break. We're working in a same company, magkakaibang division lang kami.

We are all certified single ladies kaya din siguro magkakasundo kaming apat kahit magkakaiba ang mga personalities namin. Itong si Kisha lang ang medyo tumiwalag dahil isang araw narealize yata nya kung bakit single pa din sya hanggang ngayon. Kaya ayan, sa kagustuhang magkalovelife, nabroken hearted naman. Tsk, Tsk.

Kaloka lang ano?! Kaya itong si Shannon, halos magalaiti na naman sa kakasermon sa kanya. Nagchange hairstyle pa nga si Kisha para daw magbago ang kapalaran niya at magka-love life na matino. Nagkasyota naman siya, ang kaso gaya ng itinatalak ni Shannon, after few days, tsugi na ang love life.

"Sinunod ko lang naman ang sinabi ni Bench." katwiran ni Kisha.

Napamaang ako pagkarinig ko sa pangalan ko. Hala! Ba't bigla akong nasale??

"Ikaw naman pala itong may kasalanan, Benilda Cassandra." sabi ni Mavhy.

"Anong ako? Bakit ako?" Wala naman akong matandaang sinabi o ipinatayo sa kanya na kahit ano. Dahil sa aming apat, madalas ako ang 'no comment' sa kanila, at hindi din naman ako mahilig magbigay ng advice sa kahit sino lalo about sa love love na yan noh! Anong alam ko dyan? edi Wala!.

Si Shannon lang sa amin ang dakilang tagapagpayo, kaso once na magsimula na itong magtatalak, hindi kami tatantanan kapag di nasusunod ang advice niya at kapag paulit-ulit nalang nangyayari, tulad ni Kisha, kotang kota na siya kay Shannon.

"Sabi mo, pag naramdaman ko na ang 'this is it' sa isang guy, go for it na." sagot ni Kisha.

May sinabi ba kong ganoon? Parang wala naman yata akong matandaan.

Napangunso ako. "Pero kahit na, alam mo ba ang ibig sabihin ng 'this is it'?"

"Yong something." aniya.

CERTIFIED SINGLE (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon