Chapter 8

5 2 0
                                    

MIRA

Isang taon na simula nung gumaraduate kami hanggang ngayon wala pa rin akong makuhang permenenteng trabaho. Ngayon nandito na ako nagtatrabaho sa isang hotel na may masungit na boss. Ako lagi ang nakikita, kaasar akala mo ako lang empleyado niya.

Si Ry todo trabaho para matupad ang pangarap niyang bake shop. Si Shayne naman ayun laging wala kasi may training silang mga flight attendant.

"Ms. Cruz" tawag sakin ng boss ko eton nanaman

"yes ma'am" nakangiti kong sagot kung di ko lang CEO ng hotel na pinagtatrabahuhan ko. Nasapak ko na.

"May nagreklamong isang guest sa floor na nililinisan mo. Ang sabi di mo pa daw nililinis yung room niya" sabi nito eh pano kong lilinisin eh may rule dito na kapag may tao pa sa room bawal pumasok

"ah ma'am kasi po nandun pa po siya sa room niya diba po may rule na bawal po kami pumasok kapag may tao pa sa loob. Tapos narin po shift" sabi ko

"At sumasagot ka pa. Wag mo kong pangunahan alam ko mga rule dito. Lumayas ka na sa harapan ko at linisin mo na kwarto niya kahit nandun pa siya" galit na sabi nito di na ko umimik dahil lalala lang mabilis akong pumunta sa room na sinasabi ni ma'am para matapos na at makauwi na ako

"room service" sabi ko at kumatok ako

"Come in bukas yan" sabi nito kaya pumasok na ko at nagsimula ng maglinis

"Sir tapos na po" sabi ko tumango lang ito kaya umalis na ako pero habang nag lilinis ako nakikita ko sa peripheral view ko na tingin siya ng tingin sakin pero di ko pinansin
Hay sa wakas makakauwi na din

"Bat ngayon ka lang diba kanina pa tapos shift mo?" sabi ni Ry na ngayon ay nasa kusina at nagluluto

"eh pano pinaglinis pa ko ng boss epal kong wala magawa sa buhay" sabi ko

"haha sige na magbihis kana doon malapit na to matapos" sabi ni Ry. dito ko na siya pinatira dahil mag isa lang naman ako dito at dahil para imbes na sa apartment niya ibayad pera niya pang dagdag ipon nalang niya

"sige" sabi ko at umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis. Bumaba na rin ako para makakain na kami

"kamusta pagbebake mo" sabi ko kay Ry pinayagan ko kasi siya na mag bake dito sa bahay para pan dagdag income din niya nagdadala din kami ni Shayne sa trabaho para makapag benta at sulit naman dahil laging ubos. Sobrang sarap kasi talaga mag bake ni Ry

"okay naman. At saka pinayagan na ako ng boss ko na mag benta ng mga binabake ko sa shop niya" masayang sabi nito

"wow. Ayos na ayos yun. Galing mo kasi mag bake yung ngang mga dinadala ko sa trabaho umaga palang sold out na minsan bitin pa sila" sabi ko kay Ry. Ngumiti lang ito kitang kita ko ang saya sa mata niya dahil isa ito sa mga pangarap niya

Makalipas ang dalawang taon.

"Good Morning ma'am" bati ng mga empleyado sakin. Sa wakas isa na akong Manager ng hotel sa unang hotel na pinagtrabuhan ko. Masasabi ko ring masaya na ako sa buhay ko si Ry din ay nakapagpatayo na nag sarili niyang Shop si Shayne naman ay isa na ring ganap na flight attendant. Minsan nalang kami magkasama sama dahil busy na rin kami

"Guys!" nagtatakbong sigaw ni Shayne nandito kami sa mall dahil walang flight si Shayne

"wahhh namiss ko kayo" sabi nito sabay yakap samin ni Ry

"namiss ka rin namin pero diba kakikita lang natin nung isang linggo" biro ko

"kahit na tagal din kaya nun" sabi ni Shayne

"Sana all nakapunta na ng Canada" sabi ni Ry nandito na kami ngayon sa Jollibee dahil namiss na daw ni Shayne ang favorite niyang chicken joy

"okay lang" maikling sagot ni Shayne

"okay lang?? Seriously?? Wow sa bagay wala na lang sayo yun kasi kung saan saan kna nakakapunta pero ah yung promise mo na sa Paris, France dapat sabay sabay tayo" sabi ni Ry

"oo ang totoo nga niyan nakilag palit ako ng flight dahil papuntang france yung destination namin ngayon kaya I'm here dahil bukas pa flight nung nakapalitan ko papuntang Switzerland" sabi ni Shayne pero biglang lumungkot ang expression niya ng banggitin niya ang salitang Switzerland alam ko na agad kung bakit

"yehey thank you Shayne. The best ka talaga" masayang sabi ni Ry "pero kailan kaya tayo makakapunta ng Paris?" tanong nito

"kailan ba vacation niyo Mira" tanong ni Shayne sakin

"ahmmm next month Christmas vacation wala namang masyadong client nun kaya pwede ako" sabi ko

"yehey tamang tama close din shop ko nun" sabi ni Ry

Lumipas ang isang buwan ready na ang lahat, lahat nakaplano na, lahat ng gagawin namin lahat ng pupuntahan namin as in lahat talaga but unexpected things happened.

"Ma'am tumawag po si Ma'am Kayla dito daw po gaganapin ang Party para sa Christmas nila" di ako agad nakapagreact sa narinig ko si maam kayla ang may ari ng hotel n pinagtatrabahuhan ko at ako naman ang acting CEO. Isa ang hotel namin sa sikat na hotel dito sa manila dahil sa sobrang laki nito at may malaking swimming pool din kaya madalas pag ganapan ng mga party. Pero ngayon biglaan

"what!!?" sigaw ko ng mapagtanto ko lahat ng sinabi niya sa isip ko. Paano na nasira na lahat mg plano namin nila Ry at Shayne paano ko sasabihin sa kanila na di kami matutuloy sigurado akong magtatampo yung mga yun

Tinext ko sila Ry at Shayne na magkita kami sa Coffee shop malapit sa hotel agad naman silang sumang ayon

"Guys may sasabihin ako" sasabay sabay namin sabi na ikinagulat ko
Nagkatitigan kaming tatlo ng ilang sandali ng magsalita si Ry

"may biglaan kasing nangyari may nag pa reserve pala ng mga cakes at gusto daw na ako mismo gumawa" malungkot na sabi nito na ikinagulat namin ni Shayne at nagsalita na din ito

"ako din may flight na kailangan kong kunin dahil importante dahil iilan nalang kaming mga flight attendant ang wala pa sa vacation kaya napasama ako" sabi nito

"ako din ngayon lng sinabi ni maam kayla na sa hotel namin gaganapin yung party nila kailangan ako dun" sabi ko

Nagkatinginan kaming tatlo at napabuntong hininga

"hay.. Naku di pa siguro ito yung time para makapunta tayo doon"
Sabi ni Ry

"Siguro nga I-enjoy muna natin ang Christmas dito sa pilipinas malay niyo next year okay na" sabi ko

"kaya nga" sabi ni shayne nag usap usap lang kami hanggang sa mapag desisyonan namin nang umuwi sinabi ko kay Ry na uuwi lang ako sa bahay para kumuha ng damit dahil magiging busy ako sa pag aasikaso sa hotel dahil isa ito sa malaking ganap dahil ilan sa mga dadating ay ang mga may ari ng mga sikat ng hotel dito sa Manila.

---to be continue
(Ps. PLAGIARISM IS CRIME)

(Pps. Please Vote, Comment and Share. Thank you!)

3 Girls at their Dream DestinationWhere stories live. Discover now