Commute Stories | I

4 0 0
                                    

Pagod sa thesis.

Bigat ng laptop.

Wala pang kain.

Masakit na ang ulo.

Kaso pagkasakay nyo ng mga kasama mo sa jeep, nawala lahat ng nararamdaman ko.

Akala ko ikaw yung kakilala ko.

Tinitigan kita ng ilang segundo kase madilim. Di kita masyadong makita.

Pero narealize ko rin sa huli na ibang tao pala.

Nung una, sumabit lang kayo ng mga kasama mo. Hanggang sa pagbigyan ako ng araw na yon.

May bumaba na pasahero. Ikaw yung pumalit sa pwesto nya. Sa harapan ng pwesto kung saan ako nakaupo.

Ganda ng view.

Napakanta ako, "ayoko ng pumara" at "parang ayoko ng bumaba".

Kahit medyo madilim, siniyasat kita ng kaunti sa peripheral view ko. Nakakapawi ng pagod hehe.

Naisip ko parang gusto kong magroadtrip para makasama ka ng matagal ng kaunti pa. Kaso gabi na. Hinahanap na rin ako sa bahay panigurado. Sana makita ulit kita.

Nagpapasalamat din pala ako sa I.D. lace mo. Dapat yung pangalan mo nalang nakita ko eh. Pero okay narin yung clue.

ABM.

Taga AU.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Commute StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon