Chapter 1

0 0 0
                                    

Nicholas's POV

My eyes widened when I saw someone in front of me. She's staring at me but no emotions could be seen in her bare face.

"S-sino ka?"

She stood still na parang hindi nya narinig ang tanong ko. Kahit madilim ay kitang kita ko sya. Kitang kita ko ang mga matang nakatitig sa akin.

"W-what are you doing here? How did you get here?" sunod kong tanong sa kanya ngunit tila wala itong balak sagutin ako. Marahil ay taga Blument Subdivision din ito dahil walang ibang kabahayan sa lugar na iyon kundi ang malapit na Subdivision.

Ang parteng ito ay isang private property ngunit hindi na ito sakop ng Subdivision namin. Madadaanan mo ito papuntang Blument Subdivision. Marami ang nagkaka interes na bilhin ang lupang ito dahil parang napapabayaan na ito ng may ari ngunit balita ko ay hindi daw ito ipinagbibili.

Napaayos ako ng tayo nang hindi man lang kumibo ang kausap ko. Nawala narin ang kabang naramdaman ko kanina dahil sa tingin ko naman ay harmless ito.

"Miss kung ako sayo ay aalis na ako sa lugar na ito. Masyadong delikado na mag isa ka dito lalo pa at babae ka. Malalim na ang gabi, mabuti pa ay ihatid na kita sa inyo."

I can be a gentleman at times you know. And even if I'm a jerk, I don't take advantage to women. I only hang out with those who are willing to be my bitch. And as for this girl, she doesn't get my interest. Yes, she has a beautiful face but it screams innocence in every corner. She's also wearing a lousy dress na hanggang ibaba ng tuhod. Yes, a dress in almost in the middle of the night! And not to mention, in the middle of the woods. Errr, she's weird.

"Uh, miss?" i called. Kanina pa ako nagsasalita pero hindi man lang ito tumutugon sa mga tanong ko.

Nakiramdam ako sa paligid at chineck kung may dala ba syang kahit ano na maaaring gamitin laban sakin. I know I'm being paranoid pero it's better be safe than sorry.

I slightly make a move to leave her behind nang hindi parin ito nagsasalita at gumagalaw man lang sa pwesto nito. It's kinda rude and unmanly for my side but i have no choice! She's creepy!

Ngayon ay ako na ang nakaharap sa bangin at sya naman ay nakatalikod na dito. Kahit saan ako magpunta ay nakatitig lamang sya sa akin. I don't know if she's just mesmerised by my handsome looks or she's just being weird as she is.

"Are you sure na hindi kana mag papahatid?" I asked her once more.

Hindi naman niya sinagot ang tanong  ko kanina kaya pinagpalagay ko nalang na ayaw nya nga magpahatid. At isa pa, nagdadalawang isip nadin ako kung ihahatid ko pa ba sya. Baka pagsakay namin sa sasakyan ay saka lamang lumabas ang matutulis nyang mga ngipin at biglang atakihin ako. I can't afford to be a vampire!

"Okay then, I gotta go. Mag iingat ka." I slightly gave her a nod then turn my back at her.

"On second thought, samahan nalang kita kahit hanggang kalsa-"

I froze on my track the moment i turn to see no one in front of me. As in NO ONE! Only a cold breeze that makes me hug my body. Where is she?!

I roamed my eyes in the area but failed to find her given that it is so dark and i have no flashlight since i turned off my phone.

I just shrug my shoulder and head back to my car.

As I enter my car, hindi ko parin maalis sa isip ko ang babae kanina. Where did it go? Nahulog kaya ito sa bangin? Pero imposible, maririnig ko naman siguro kung sakaling nahulog iyon.

I checked my watch and it's now 11: 45. Medyo natagalan pala ako kanina sa loob ng kakahuyan. I haven't turned on my phone yet dahil sigurado akong hindi parin susuko si Laurence hangga't di ako nakakapunta sa party nya. I started the engine and then drove my way to our house.

Ilang minuto pa ay narating ko na ang aming bahay. I go straight to my room at agad na humilata sa kama. Nakaharap ako sa ceiling at nahulog na naman ako sa malalim na pag iisip.

Simula nung gabing yun ay hindi ko na maiwasang mapatulala bigla at isipin ang insidenteng iyon. Somehow, I blame myself for not being brave enough and help the victim instead of just hiding. I didn't even thought of calling someone for help! That was a freaking murder case! But for the records, I didn't wish to witness such crime. I was... I was just.. Uh! Damn it!
Napasabunot ako sa aking sariling buhok out of frustration.

Bumangon ako at nagbihis. Pinilit kong 'wag isipin ang nangyari at ipinikit ang aking mga mata. Ilang sandali pa ay nilamon na ako ng antok.




#

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wandering Soul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon