Wika:Bida sa Buhay ng Tao

615 5 0
                                    

Ang wika ang susi sa tagumpay

Liwanag na nagbibigay buhay

Bida kung tawagi'y ng mga tao

Tunay at wagas ang Pilipino.

Wika ay wika 'yan ang salita

Pananalitang 'di malalanta

Wikang pinagkaingat-ingatan

Sa huling buhay ay makakamtan.

Ang wika ay parang isang gulong

Magulungan man at makagulong

Tatak sa pinoy 'di maglalaho

Wikang Tagalog 'di magbabago.

Tangkiliki't mahalin ang wika

Tulad ng iyong sarili't bayan

Pinto sa pagkakaunawaan

Tungo sa tamang kinabukasan.

ANG WIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon