Ang wika ang susi sa tagumpay
Liwanag na nagbibigay buhay
Bida kung tawagi'y ng mga tao
Tunay at wagas ang Pilipino.
Wika ay wika 'yan ang salita
Pananalitang 'di malalanta
Wikang pinagkaingat-ingatan
Sa huling buhay ay makakamtan.
Ang wika ay parang isang gulong
Magulungan man at makagulong
Tatak sa pinoy 'di maglalaho
Wikang Tagalog 'di magbabago.
Tangkiliki't mahalin ang wika
Tulad ng iyong sarili't bayan
Pinto sa pagkakaunawaan
Tungo sa tamang kinabukasan.
BINABASA MO ANG
ANG WIKA
PuisiWika ang pangunahing komunikasyon ng bawat tao. Kaya ating gamitin,paunlarin at pagyamanin.