05 THE CELEBRATION

5.1K 90 14
                                    

Mabagal na naglakad si Noleen sa aisle, diretso siyang nakatingin sa altar ng simbahan. Hindi niya maikubli ang isang ngiti na sumibol sa kanyang labi dahil masaya siya para sa araw na ito. Sa wakas, ikakasal na siya kay Alex.

At wala nang magagawa si Alex dito. She inwardly rejoiced at the idea.

She felt all eyes were upon her. Dapat lang dahil pinaghandaan niyang maigi ang okasyong ito. Her beauty was enhanced by her white gown, nakasisilaw ang diamonds na nakapalibot dito. Her thick glorious hair was styled perfectly at ang kanyang tiara ay kumikislap dahil nasisinagan ng araw na mula sa stained glass ng simbahan.

Para sa kanya, isa siyang perpektong babae na nararapat lang din sa isang perpektong gwapong nilalang gaya ni Alex. Nagbubulag-bulagan siya sa mga pagkakamali nito dahil ang iniisip niya, magbabago rin ito para sa kanya.

Tumingin siya sa groom na nasa dulo ng nilalakaran niyang aisle. She examined him. Nagsimula siya sa makikintab na sapatos nito. Then her eyes lingered on his well-formed thighs clad in black pants. Inangat niya pa ang tingin and saw him in his dark suit which emphasized his broad shoulders.

Napalunok si Noleen.

Then she saw his face. Napasinghap siya nang makitang sugatan ang groom. May benda ito sa ulo at may pasa sa mukha.

"Alex?" Nanlaki ang mga mata niya at nabitiwan ang hawak na bouquet. Nanlambot din ang mga paa niya at mabuti na lang ay naalalayan siya ng kanyang ama—ang ever supportive na si President Castillo.

"What happened?" tanong niya, tinakpan niya ang bibig nang makita nang buo ang damage na nangyari sa kanyang mapapangasawa.

Ang perfect wedding ko!

Matamlay na ngumiti sa kanya ang lalaki. Parang may mali? Nagbago na ba ang isip ni Alex?

Gusto niya na ba 'kong pakasalan?

Alam ni Noleen na tutol si Alex sa ideya na sinimulan ng mga ama nila. Their fathers became more insistent in getting them married when they found out she was pregnant with his child.

Hindi kaya binugbog ito ni Mr. Marudo para lang pakasalan siya?

Habang nag-iisip siya ng kung anu-anong posibilidad, nagulat siya nang yumuko si Alex para pulutin ang nalaglag niyang bouquet.

Muli itong iniabot ni Alex sa kanya.

Parang may mali talaga.

Nagkibit-balikat na lang si Noleen at kinuha ang bulaklak. She also took the hand he offered. Naglakad na sila papunta sa harap ng pari.

"Where's your brother?" patagong tanong ni Noleen habang nakatingin pa rin sa nagsasalitang pari sa harap nila.

Kahit madalas siyang nagpupunta sa bahay nina Alex, hindi niya pa nakikita ang kapatid na madalas ikwento nito at ng mga kasambahay.

Ang santong si Xander Marudo na kumuha ng lahat na dapat ay para kay Alex.

She felt him stiffen.

Hindi siya sinagot nito.

Nagpatuloy pa ang seremonya. In the part where they would have to give their rings, na-excite si Noleen. This would seal her and Alex forever.

Napansin niyang tumingin si Alex sa likuran. Sinundan niya kung ano ang mayroon dahil nag-aalala ang ekspresyon sa mukha nito. Tumango si Mr. Marudo sa kanilang dalawa at napangiti siya rito. Humigpit naman ang paghawak ni Alex sa kanyang kamay.

"I—Alexander Marudo, take you, Noleen Castillo, to be my partner, loving what I know of you—"

Nagtagpo ang kilay ni Noleen. May mali talaga. Binago ba ang kanilang wedding vows? O may pagbabago sa boses ni Alex?

Utos NiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon