10. OUR VIRTUAL LOVE STORY.

7 7 0
                                    

"Irin, heto may irereto ako sa'yo. Alam kong magugustuhan mo 'to. Tingnan mo!" pangungulit ni Freicy sa akin habang pinapakita ang litrato ng lalaking nahanap niya sa facebook.

"Tigilan mo ako, Freicy! Ang layo niyan e. Jusko, Tacurong? Freicy walang LDR na nagwo-work!" sagot ko sakanya saka siya tinalikuran.

Hinabol naman niya ako saka hinila ang aking pala-pulsuhan. "Anong pinagsasabi mong wala? Palibhasa kasi 'di nag work 'yong last relationship mo kaya ka nagiging bitter sa long distance relationship, eh ang dami kayang LDR na tumatagal. Irin nasa tao 'yan, hindi sa distanya. Kaya heto oh, naghahanap din 'to ng girlfriend. Try mo na sismars! Malay mo naman siya na maging end game mo." taas kilay nitong paglilitanya sa akin habang naka-pamewang.

I crossed my arms and rolled my eyes secretly. She's so stubborn at alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko siya nasusunod. Napa-buntong hininga na lamang ako saka kinuha ang kanyang cellphone para suriin ang lalaking nirereto niya sa akin. He's handsome and manly, he's a bit tan, he has a perfectly defined jaw at makakapal din ang kanyang kilay. Hm, not bad.

"Paano mo ba 'to nahanap? Ang layo neto eh!" iritado ko paring tanong sakanya.

"Huwag ka ng madaming tanong dyan! Add mo na." wika nito saka mabilis na kinuha ang kanyang cellphone.

Bruhilda!

Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko saka mabilis na nagtipa sa search bar ng Robert John Genabe. I immediately added him at hindi pa man nag-iisang minuto ay kaagad niya nang inaccept ang friend request ko. Hm, hindi halatang nag aabang ha?

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko at kaagad na napansin iyon ni Freicy. Lumapit siya sa akin saka tiningnan kung ano ang tinititigan ko at bigla nalang siyang tumili na nagpagulat sa akin.

"Ano ka ba, Freicy! Bigla bigla kang tumitili dyan! Shuta ka!" inis kong sambit sakanya.

She chuckled and raised her hand to do the peace sign. Tsk, cutie but she's annoying!

"Chat mo na!" she teases me.

"What the heck? Ba't ako ang magcha-chat? Baka pa isipin no'n na may gusto ako sakanya." sagot ko.

"Ano ka ba! Sige na, mag Hi kana." pamimilit neto sa akin. I looked at her coldly and she does the same. Nagulat nalang ako nang bigla netong hilain ang cellphone ko saka tumakbo palayo.

"Hoy, Freicy! Akin na 'yan!"

Hindi ako pinansin neto at patuloy na lumayo sa akin. Huminto siya sa may pintuan namin at doon nag tipa. Nang matapos siyang magtipa ng mensahe ay iniwan neto ang cellphone ko sa isang upuan saka pumasok sa loob. Bwesit! Ano kayang sinabi non?

Tumakbo ako palapit sa cellphone ko at kaagad na tiningnan ang messenger.

Damn it! He replied!

Robert:
Hello. Hahaha, palabiro ka pala. Btw ang ganda mo rin. And yes papayag akong maging baby mo. Crush kaya kita hahaha!

"FREICY!!!!!" I shouted from the top of my lungs and heard her roaring laugh afterwards. Bwesit!

Namula ang magkabilang pisngi ko sa sobrang hiya. Paano ba naman kasi, ang sinabi ni Freicy ay "Hi. Ang gwapo mo ah. Mukhang bata pa hehe, gusto mo bang maging baby ko?"

I've never felt this embarrassment before. My God! What have I gotten myself into?

---

"Kamusta kayo nung ka-internet love mo?" biglang tanong ni Freicy habang naglalakad kami sa hallway ng school.

"Anong ka-internet love ka dyan, hindi ako mahuhulog do'n tsaka tigilan mo na ako Freicy kasi wala ngang LDR na nagwo-work. Pinagbigyan lang kita kaya ko inadd 'yon!" sagot ko naman sakanya saka siya inunahan sa paglalakad.

When Skies Are GreyWhere stories live. Discover now