00:15

311 10 1
                                    

06 | 01

Solen
Today, 11:01 AM

Solen
ate!!!
Read 11:09 AM

san ka?
Read 11:09 AM

lunch tayo!
Read 11:09 AM

Lynsey
Saan ba?

Sunod na lang ako.

May ka-meeting lang ako.

Solen
akala ko ba hindi ka pumayag
na magkita kayo ni prof beltran?

sayang, kasama ko pa naman si
kuya geof.

Lynsey
Hindi naman talaga ako pumayag
dahil iba ang ka-meeting ko.

At tsaka isa pa, tigil-tigilan mo na
nga kakareto mo sa kapatid mo
sa'kin.

Solen
e kasi naman, mukhang hopeless
case na yata talaga sila noong crush
niya.

tapos ikaw rin, mukhang hopeless
case na kayo noong prof mo.

e di, kayo na lang ni kuya? 😄

Lynsey
Hopeless case talaga kasi wala naman
dapat i-hope sa amin ni Aquilles.

Solen
aquilles?

yie, first name basis?

close na kayo? ilang linggo na ba
kayong nag-uusap? tatlo?

Lynsey
Feeling ko walang sense mga sagot ko
dahil bibigyan mo lang din naman ng
ibig sabihin.

Solen
joke laaang.

eto na, titigil na.

pero kasama ko talaga si
kuya.

pero (ulit) hindi ko na kayo
ire-reto sa isa't isa. sksksk.

Lynsey
Kolehiyo ka na Solen Daphne,
pero asal high school ka pa rin.

Solen
ikaw nga 27 y/o pa lang pero asal
40 ka na.

Lynsey
😡

Solen
chaaar.

inom ka pineapple juice para
iwas high blood, oki?

labyu ateee, dito kami ni kuya
sa kfc. lapit lang sa uni.

Lynsey
Kayo na lang mag-lunch ng Kuya mo.

Solen
dali naaa.

nakapag-order na si kuya
for us hihi.

sayang, libre pa naman!

tsaka may chika ako sa'yo
tungkol kay prof.

Lynsey
Dito mo na lang sabihin.

Solen
curious ka ate?

ay di pumunta ka rito 😗

Lynsey
🙂
Read 11:39 AM

Amidst Midnight BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon