Kabanata 15

6.9K 232 67
                                    

"Sorry na nga! Wala namang kalaman-laman 'yong cellphone mo, at saka 'di ba bumili ka na ng bago?"

Hindi nawala ang simangot sa aking mukha nang sumakay ako sa motor. Umangkas naman siya sa likuran n'yon.

"And it's been a week, Nis."

"It was not just a phone, Lyla. Importante 'yon dahil-" Dahil nandoon iyong number ni Zideon!

Kung hindi ba naman kasi siya lukaret na bigla-bigla akong ginulat noong nasa loob kami ng bus pabalik dito sa Cagayan de Oro, para lamang maki-tsismis kung sino ang pinapadalahan ko ng mensahe, hindi ko iyon aksidenteng mabibitawan sa may bintana! And now I've lost my phone! It's been a week, yes! At isang linggo na rin na hindi ko alam kung ano ang naiisip ni Zideon gayong wala na akong koneksiyon sa kaniya!

"Dahil?" Sumilip siya sa may gilid ko.

Inis kong sinuot ang gray na hood ng aking jacket. "Whatever."

Kahit gaano ko pa siya kagustong sakalin ngayon, hindi ko na rin maibabalik iyong cellphone kong nahulog sa bintana na tinangay ng hangin patungo sa kung saan. Balik klase na rin naman kaya't makikita ko na ulit si Zideon. After all, that's what I told him the first time he texted that night after our Christmas party. That we were going to see each other when the year of the calendar changes. I can tell what really happened, except for the fact that I really didn't reply to his messages. Huling mensahe niya sa akin ay iyong binati niya ako noong Pasko.

We left Manila on the 26th of December, and I was hoping that he'd call or text me after I replied to him once, the night after we went from Black Star. Pero dahil nga sa lukaret si Ferisha, nahulog ko iyong cellphone ko sa bintana! Ni hindi ko man lang siya nabati ng "Happy New Year" dahil hindi ko memorya ang number niya. Paano kung binati niya ako noong mga oras na 'yon pero wala akong reply? Ano na lamang ang iisipin niya? Na matapos ko siyang halikan, aminin na gusto ko siya, bigla-bigla ko siyang babalewalain?

Hindi kaagad ako nakababa ng motor nang nakarating kami sa parking lot ng university. Ilang araw ko na itong pinaghandaan, na sakaling makita si Zideon talagang ipaliliwanag ko sa kaniya ang lahat. Na hindi ko intensiyon na hindi na siya replayan matapos ko siyang padalahan ng mensahe na puwede na niya akong tawagan dahil aksidente kong naihulog iyong cellphone ko.

Pero ngayong nandito na ako sa university kung saan paniguradong nasa tabi-tabi lamang siya, hindi ko maiwasan na hindi mapakali.

"Ano na? Hindi ka na bababa? Baka ma-late tayo sa first period."

Nibbling my fingernails, I glance at Ferisha. "Mauna ka na. Susunod ako."

Kumunot ang kaniyang noo sa akin bago ako nagtatakang tiningnan. Napansin niya siguro na hindi ako mapakali.

"What's your problem ba? You've been grumpy for a week just because you've lost your phone. Ano bang mayroon sa cellphone mo at parang may gintong nakapasak do'n?"

Bumuntonghininga ako at inalis ang daliri sa aking bibig at saka ko siya tiningnan. Right. I haven't told her that it is actually Zideon that I like, and that Zideon likes me back. Hindi ko pa mailarawan ang magiging reaksiyon sa oras na sabihin ko na iyong masungit naming presidente na binigyan ako ng parusa na maglinis ng locker ay nagustuhan ako.

"Wala. Basta mauna ka na. Susunod ako."

Sumusuko siyang napailing-iling sa akin. "Fine. But don't be late, okay?"

I nod at her as a sign of assurance until she turns her back on me and heads to the main campus. Napabukol na lamang ang dila ko sa gilid ng aking pisngi habang paulit-ulit kong ipinapatok ang mga daliri sa aking hita.

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon