Chapter 1

12 0 0
                                    

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Ash! Hindi ko kayang mawala siya sa'kin!" naiiyak na saad ni Angie sabay upo sa kama sa apartment ng kaibigan niyang si Ashley.

Napabuntung-hininga naman ang kaibigan niya sa kanya.

"Alam mo kahit ako rin hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo! Grabe ang complicated naman kasi ng sitwasyon mo ngayon eh!"

Lalo lang napayuko si Angie.

"Pero meron lang akong isang tanong sa'yo, Anj!" tiningnan niya si Angie. "Kelan ka ba matututo na unahin ang sarili mong kapakanan kesa sa ibang tao? Marami ka nang sinakripisyo para sa kanila! Hindi ba't panahon na rin para isipin mo naman ang sarili mong kaligayahan?"

Napalingon si Angie sa tinuran ng kaibigan. Dahil sa sinabi nito lalo siyang napaisip. Hindi niya tuloy maiwasan na maalala ang nakaraan.

Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Unang araw ng eskwela. Isang ordinaryong araw ngunit hindi niya inakala na sa araw na iyon ay makikilala niya ang lalaking babago sa buhay niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Oo, Ash! Papunta na nga ako diyan wag ka ngang atat diyan! Nagmamadali na nga ako eh! " ani Angie sa kausap sa cellphone habang natakbo. Hindi niya tuloy nakita ang papalapit na bola sa kanya.

"Naku, miss! Umilag ka!"

Napatigil si Angie nang marinig ang sigaw at bago pa siya makahuma ay natamaan na siya ng bola. Tinamaan siya sa ulo dahilan para matumba siya sa sahig.

"Naku! Miss ok ka lang ba?"

Sa narinig nainis naman siya kaya paangil siyang sumagot.

"Mukha ba akong okay sa tingin mo? Ikaw kaya tamaan ng bola nang malakas sa ulo maging ok ka pa kaya? Eeshh!" saad niya habang hawak na ang ulo niya. "Aray! Ang sakit!" sabi pa niya.

Natawa lang naman ang lalaki sa kanya na lalo niyang kinagalit.

"Anong nakakatawa? Natutuwa kang makakita ng taong nasasaktan?"

A Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon